Jodi takot na takot pag-usapan si Jolo: Pasensiya na talaga! | Bandera

Jodi takot na takot pag-usapan si Jolo: Pasensiya na talaga!

Ambet Nabus - September 06, 2014 - 03:00 AM


“Hindi na siguro. Busy yun eh,” ang simpleng tugon ni Jodi Sta. Maria sa tanong ng marami kung bakit hindi na niya kinuhang escort sa darating na Star Magic Ball ngayong Sabado si Vice Gov. Jolo Revilla.

Ang anak sana niyang si Thirdy ang nais niyang maka-date sa nasabing event, pero hindi raw ito pinayagan ng Star Magic team dahil bukod sa bagets pa ito ay late na nga raw kung mag-start ang party kaya natatawa pang sey ng aktres, “Baka kasi ma-DOLE pa tayo!”

Naging marespeto naman si Jodi sa pakiusap nitong ayaw na talaga niyang ikuwento sa media ang tungkol sa kanyang lovelife kahit pa nga pareho silang celebrities ni Jolo. “Eversince naman po di ba? Hayaan na po nating maging ganu’n,” ang sabi nito sabay hirit ng, “Pasensya na po talaga.”

Iginalang naman ng press ang sinabi ng aktres dahil marespeto naman siyang nakiusap, hindi tulad ng iba diyan na pikon at bastos sa media.

Bumibida ngayon si Jodi sa Star Cinema movie na “Maria Leonora Teresa”, isang horror-flick sa direksyon ni Wenn Deramas. “Ako dito si Stella, ang over-protective mother ni Teresa.

As a mother myself sa totoong buhay, maraming twists ang kuwento na manghihilakbot ka dahil sa kakayanang gumawa ng halos imposible ng isang ina para lang sa kanyang anak,” paliwanag ni Jodi.

Kasama rin dito sina Iza Calzado at Zanjoe Marudo. Showing na ito sa Setyempbre 17 nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending