Daina natulog sa mansion ni Singson?

Kaya raw biglang natsismis na may relasyon

Marami ang tumaas ang kilay sa rason ni Daiana Menezes na kaya siya nagpapabalik-balik sa Ilocos Sur to meet up with Gov. Chavit Singson ay dahil sa kanyang business deals with him.

Hindi raw kasi totoong may relasyon siya with the generous politician na mahilig sa tisay. Ha-hahaha!

“Sa isang diyaryo, iba naman ang dahilan niya.

Na kesyo malapit lang daw talaga siya sa pamilya ni Manong Chavit dahil ninong niya ito sa binyag.

Anong binyag ba ang tinutukoy niya? Bakit sa ibang newspaper, ang sabi niya may business deal sila ni Gov. Singson. Ano ba talaga?

“May chika kasing nakarating sa amin na talagang meron silang something ni Manong Chavit.

May nagbulong sa akin that she sleeps sa mansion ni Manong Chavit sa Vigan na kung tawagin nila ay Baluarte,” litanya ng source natin.

Ayokong mag-comment dahil hindi naman talaga ako aware kung natutulog si Daiana sa Vigan.

Ang tanong, saang parte ng Baluarte na siya natutulog?

Marami kasing rooms doon, kami nga ay nakatulog na sa Bolkiah Room kung saan natulog noon ang Sultan ng Brunei when he visited Manong Chavit’s Baluarte.

Hayaan niyo. we’ll research further.

Read more...