Gerald: Nanginig ang tuhod ko!

Nang tinawag siyang ‘Babe’ ni Sarah

SA thanksgiving presscon ng Budoy na ginanap sa ABS-CBN building kamakailan ay hindi tinantanan si Gerald Anderson tungkol sa real score sa kanila ni Sarah Geronimo.

Kahit  ilang beses na kasi nilang sinabing “friends” lang sila ay wala namang naniniwala dahil nga iba ang mga sinasabi nila sa kanilang mga ikinikilos kapag sila’y magkasama.

At lalo pang nabuo ang pagdududa ng lahat nang tawagin ni Sarah si Gerald ng “Babe” sa yatch date nila bilang isa sa segments ng (pilot episode) Sarah G. Live noong Linggo.

Katwiran ni Gerald kahit daw siya ay nagulat ng marinig na tinawag siyang “Babe” ng singer-actress, “Napanood n’yo naman na nagulat rin ako. Sa totoo lang, hindi ko po alam kung bakit nangyari ‘yun.

But siyempre, nakita n’yo  nagulat ako!”

At biglang bawi ulit ng aktor na, “Pero at the same time, kinilig rin ako.

Nanghina ang tuhod ko nu’n. Siyempre, isang Sarah Geronimo at biglang tinawag kang ‘Babe’, Wow!”

“As much as gusto kong sabihin na kami, we’re friends and hindi po ako nagsisinungaling sa inyo.

She does inspire me and I’m just really happy na nakilala ko siya in a different level.

But hindi po kami, hindi kami. Masaya ako kung anong status namin ngayon,” diin ni Budoy.

Hindi naman nasagot ng aktor ang tanong kung nililigawan na niya si Sarah, basta’t inspirasyon daw niya ang dalaga at masaya na siya na napapasaya at napapatawa  ang anak ni Mommy Divine.

Dagdag pa ng aktor alam din niyang hindi pa handa si Sarah sa isang seryosong relasyon kaya nirerespeto raw niya ang deisyon ng dalaga.

“Nirerespeto ko ang pamilya niya kung ano ang stand nila. Kumbaga, si Sarah ay nandu’n pa sa stage na hindi pa ready, na hindi pa puwedeng magkaroon ng boyfriend or ng karelasyon.

We just have to respect that. At ngayon palang, yung friendship na nakukuha ko, e, panalo na ako,” paliwanag ng aktor.

Makapaghihintay ba ang isang Gerald Anderson? Dahil tanda namin na sinabi ni Mommy Divine gusto niya na kung sino ang magiging boyfriend ng anak niya ngayon, gusto nilang ito na rin ang mapapangasawa ng Pop Princess.

“Mahabang proseso ‘yan,” saad ni Gerald. “Kailangan makilala namin ang isa’t isa on a different level.

Yung makapag-bonding kami. You can never know someone hangga’t hindi mo siya nakikilala,” ani Gerald.

Samantala, sa last taping day ng Budoy sa Marso 7 na kaarawan din mismo ni Gerald ay magpapa-party siya para sa lahat ng nakasama niya sa serye, “Magkakaroon po ng party talaga, raffles, Ms. Gay beauty pageant.

Basta masaya po bilang pasasalamat ko sa lahat for making Budoy number one,” excited na tinuran pa ni Gerald.

Read more...