Kris Bernal: Itinuring ako ni Jolo na isang Prinsesa!

Nagustuhan niya pero di pa niya mahal

MALUNGKOT si Kris Bernal dahil wala siyang boyfriend ngayon.

Pero hindi naman daw ito sapat na dahilan para magmukmok sa isang tabi at magbaliw-baliwan sa buhay.

In fairness, kahit walang lovelife si Kris, ang ganda-ganda pa rin niya.

Ibig sabihin hindi niya talaga kailangan ng lalaki para mag-bloom. E, kasi raw, masaya naman siya kahit walang dyowa.

“Yes, true, wala akong boyfriend, wala akong lovelife.

Bakit bibigyan mo ba ko? Ha-hahaha!” ang biro sa amin ni Kris nang makachika namin siya sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Hiram Na Puso na magsisimula na sa March 5 after Eat Bulaga.

Ito ang papalit sa Kokak ni Sarah Lahbati.

Sundot na tanong namin, hindi ba siya nalulungkot na wala siyang boyfriend?

“Aaminin ko, medyo malungkot, kasi minsan nami-miss mo yung may naglalambing sa ‘yo, yung may hinihintay kang text sa umaga, nami-miss mo yung para kang prinsesa!

Pero okay lang kasi, yung family ko, yung mga kaibigan ko talagang bukas din sila sa akin sa pagmamahal, e, so okay lang kahit walang lovelife.

“Sabi ko nga, ito na yung perfect time para ibigay ko sa pamilya ko yung free time ko at siyempre sa sarili ko,” chika pa ni Kris.

Isa pang na-link sa kanya ay si Jolo Revilla, pero bigla na lang nalaos ang kanilang rumored relationship.

Binasted ba niya ang inata? “Hindi sa binasted ko siya, pero sinabi ko sa kanya na hindi pa ako handa.

Tingnan natin kung ano ‘yung mangyayari bukas.

“Tsaka sabi ko, siguro mas okay kung mas kilalanin pa natin ang isa’t isa and kung mangyayari na ligawan mo talaga ako, e, di mangyayari’t mangyayari ‘yun.

Pero sa ngayon talaga, huwag muna.

“And okay naman sa kanya, nirespeto rin niya yung desisyon ko kaya magkaibigan kami ngayon. pero hindi na siya nanliligaw kumbaga, siguro siya rin gusto niya na rin ‘yung ganu’n muna,” patuloy pang pahayag ng Afternoon Drama Princess ng GMA.

Ano nga ba yung mga nagustuhan niyang traits ni Jolo? “Si Jolo, aaminin ko naman kahit sandali ‘yun, nagustuhan ko siya, pero hindi ko pa masasabing minahal ko siya.

Nagustuhan ko siya kasi…grabe kasi yung magpakita ng feelings, e. talagang para akong prinsesa, alam mo ‘yun?

Basta, parang wala ka nang iisipin sa sarili mo kasi may nag-aalaga na sa ‘yo. Ganu’n niya ako tinrato nu’ng tima na nanliligaw siya.”

Tungkol naman sa original niyang ka-loveteam na si Aljur Abrenica, nami-miss pa rin ba niya ang hunk actor?

“Oo naman, nami-miss ko pa rin si Aljur, nakaka-miss din siyang katrabaho.

Kasi nakita ko rin kung paano siya nag-improve ngayon. At masaya ako sa kanya kasi may movie siya at balita ko okay naman sila ni Kylie (Padilla).

“Mabait kasi si Aljur, e, kaya hahanap-hanapin mo yung pagiging gentleman niya.

Tsaka iba pa rin kapag siya ‘yung kaeksena ko kasi komportable na ako sa kanya, gamay ko na kung paano humugot sa kanya ng emosyon.

Pero wala pang balita kung gagawa kami ng project together this year,” pahayag pa ng Kapuso actress.

Anyway, drama kung drama ang seryeng Hiram Na Puso, tungkol ito sa isang babaeng kinailangang palitan ang puso para maipagpatuloy ang kanyang buhay.

Pero pagkatapos ng operasyon, ang dating masunurin at mabait na anak ay magiging palaaway at palaban.

Sa trailer pa lang ay siguradong araw-araw kayong paiiyakin ng Hiram Na Puso, pero sabi nga ni Kris, “Hindi naman puro iyakan, mai-inspire din sila at siguradong mas mamahalin nila ang kanilang mga pamilya kapag napanood nila ang Hiram Na Puso.”

Ka-join din sa afternoon series na ito ng Kapuso network sina Gina Alajar, Gardo Versoza, Bela Padilla, Ana Marin, Candy Pangilinan, Ayen Laurel, Macr Acueza, Wynwyn Marquez at ang dalawang leading men ni Kris na sina Polo Ravales at Mark Herras.

Ito’y sa direksiyon ni Andoy Ranay at magsisimula na sa darating na Lunes pagkatapos ng Eat Bulaga.

Read more...