Pacquiao vs Mayweather sa 2015

MATUTULOY sa  2015 ang matagal nang hinihintay na sagupaan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Ito ang sinabi ng promoter ng Top Rank na si Bob Arum sa isang panayam sa San Francisco Chronicle.

Bagaman wala pang mga kontrata na napipirmahan ay kasalukuyan nang inaayos ni Arum ang mga detalye ng laban kabilang na ang napipintong problema sa pay-per-view.

Si Pacquiao at ang Top Rank  kasi ay naka-kontrata sa  HBO habang si Mayweather ay sa CBS/Showtime. “Both networks want this fight to happen,” sabi ni Arum. “All signs seem to point to the fight happening early next year.”

Nais umano ni Arum na isagawa ang “Dream Match” sa unang bahagi ng 2015 dahil aniya, hindi na bumabata ang 37-anyos at wala pang talo  na si Mayweather at ang 35-anyos na si Pacquiao.

Read more...