Joseph Marco nag-inarte sa mall show, talent coordinator nabwisit


STARLET Joseph Marco seems to believe that he is already a big star at dapat nang mag-demand. Mukhang pinaniwala si Joseph ng mga taong nakapaligid sa kanya na just because he now has a regular soap and a hit movie kahit hindi naman siya ang bida kundi sina James Reid at Nadine Lustre ay malaking name na siya sa showbiz. Helllooooooooooo!

One time, merong mall show si Joseph to promote the soap na kasama siya. Hindi kasi makasipa yata sa rating ang teleserye nila kaya it needs beefing up.

And since it’s a mall show, dapat present ang major cast. A few hours before the mall show ay tumawag daw itong si Marco sa coordinator ng show nila to request na bigyan siya ng hotel room.

Kaloka namang tunay, ‘di ba? Who is he to make that request, eh, halos salingpusa lang naman siya sa show? Anyway, kaya pala nagre-request ng hotel room ang starlet o’ hara na ito ay dahil galing siya sa isang basketball game at kailangan niyang maligo.

Amoy-pawis daw kasi siya dahil nga nag-basketball pa siya. Imbiyernang-imbiyerna raw ang coordinator. Tanong nga niya, bakit daw kasi nag-basketball pa si Marco gayong alam naman niya na meron siyang mall tour. Oo nga naman.

Ang nakakaloka, bakit daw humihiling pa siya ng hotel room, eh, ang show naman ay sa mall. Naku, Keren Pascual, hindi pa man ay tila meron ng hangin sa ulo ‘yang alaga mong si Marco na ‘yan, ha.

( bandera.ph file photo )

Read more...