Chiz kay Heart: Nu’ng umoo ka sa kasal, ako yung Big Winner!


NAGKASUNDO sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero na gawing very private and intimate ang kanilang kasal next year. Wala pang eksaktong date ang kasalan pero siguradong sa 2015 na raw ito mangyayari.

Ayon kina Chiz at Heart posibleng sa Feb. 14, 2015 daw ang wedding at maaaring sa  Balesin Island sa Quezon Province ito gawin. “Biro ko lang yun, na isang okasyon na lang yung birthday, yung anniversary at yung Valentine’s para isa na lang regalo.

‘Tsaka parang imposibleng makalimutan yung anniversary,” pahayag ni Chiz sa interview ng Startalk noong Sabado.
“Wala pang usapan na pinal.

Actually, may ilang bagay pa kaming inaayos kaugnay dun. Pero sasabihin naman talaga namin kung kailan,” hirit pa ng senador.

Sey naman ni Heart anytime soon ay makikipag-meeting na sila sa wedding coordinator, dito pa lang daw nila mapa-finalize ang wedding date. Hirit naman ni Chiz, si Heart daw ang masusunod sa maraming detalye ng kasal.

“Very intimate sana ang gusto namin,” sey ni Heart. Na sinang-ayunan naman ng senador, “Basta yung hindi masyadong circus.”
“Hindi masyadong magulo. Yung kumbaga, kami-kami lang muna siguro yung gusto namin.

Kasi mas special sa amin yung dalawa, and of course meron kaming isang party na lahat makasali,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Sen. Chiz, “Maganda sana yung ganun, kesa yung magulong… paghaluin mo yung magulong mundo ng showbiz at pulitika. Hindi na siguro…Mas maganda mas simple, mas konti, mas intimate.”

Samantala, doble ang kaligayahang nararamdaman ni Heart ngayon dahil finally ay bati na sila ng kanyang mga magulang na sina Cecile at Reynaldo Ongpauco. Natanggap na rin nila ni Chiz ang basbas ng mga ito.

“Nagkita kami (ng mommy ko) nagkausap kami, okey naman. Shopping-shopping, eating-eating ganyan. Pero ang laki na rin nang ipinagbago niya sa paningin ko. Nag-mellow down din siya, pati na rin ako.

“We all learned our lesson I guess. Na-appreciate ko rin siyempre nanay siya. Kung ano man sa pag-iisip natin, your parents are still your parents. Na-appreciate ko na nagpakumbaba siya, and wala na siyang sinasabi sa akin.

She was very nice. Niloloko nga niya na parang tinanong niya ako kung, ‘Kailan ba ang kasalan n’yo?’ “’Tapos sabi ko, hindi ko pa alam, baka Feb ganyan. Sabi niya sa akin ang bilis naman, nai-stress siya,” natatawang pahayag ng aktres.

Singit naman ni Chiz, “Sa pagitan ng pamilya, hindi na kailangang pag-usapan pa. Hindi na kailangang maghingian pa ng tawad.” Sabat naman ni Heart, “Ang importante, nagkikita kami and we make time for each other.

Because life is too short. You don’t want to waste time anymore, yun ang lagi kong sinasabi. Kung anuman yung maging desisyon nila, whether they won’t be there, ang importante sa akin is okey kami. Okey na sa akin yun.”

Pero siyempre, gusto pa rin ni Heart na kumpleto sila sa kanyang kasal. Nakabiruan din ang dalawa sa nasabing interview nang hingan sila ng message para sa i’t isa, sey ni Chiz, “Sana mapasaya ko siya.

Hindi man ako kasing-talino, kasing-ano ba…? Magaling umarte, kasing-galing kumanta, sana mapunuan ko.” Biglang sumingit si Heart ng, “Hindi kasing-macho, matsu…Matsunaga?”

“May ganu’n talaga?” tawa ni Chiz. Sabay hirit ng, “Basta alam ko nu’ng umoo ka, ako yung big winner!”

( bandera.ph file photo )

Read more...