Heart sa proposal ni Chiz: Mawawala ka sa sarili mo, iyak ka lang nang iyak!


Heirloom pala ang singsing na ibinigay ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista. Hiningi talaga ito ng  senador sa kanyang ina para isuot sa kanyang fiancee.

“Tinanong ko siya (mommy niya)  kung meron siya. Sumagot naman siya na, ‘Oo’. Hindi niya tinago,” sey ni Chiz sa interview ng Startalk kahapon.

Na agad namang sinagot ni Heart ng, “Meant to be talaga siya sa akin,” natatawang sabat naman ni Heart Feeling naman ni Heart sa naganap na proposal, “Extreme happiness yun and may konting kaba.

Kasi life-changing. Parang kumbaga, this marks a new chapter of your life. There are no exact words siguro na madi-describe ko yung feeling.

“Mawawala ka sa sarili mo, e. Iyak ka lang nang iyak. This is the best feeling I’ve ever had so far. Top siya sa buhay ko ngayon. Super!” sey pa ng Kapuso actress.

( bandera.ph file photo )

Read more...