‘Tiyanak’ nina Janice at a Lotlot bubuhayin nina Juday at Tom


Natatandaan n’yo pa ba ang horror film na “Tiyanak” noong dekada 80 na pinagbidahan noon nina Janice de Belen at Lotlot de Leon? Yes, magkakaroon na ito ng bagong version na pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Tom Rodriguez.

In fairness, favorite namin ang “Tiyanak” dahil talagang natakot at nakitili rin kami sa movie na ito na ipinalabas nga noong 1988 at idinirek nina Peque Gallaga at Lore Reyes.

And this year, sila pa rin ang gagawa ng bagong version ng “T’yanak” kung saan makakasama rin sina Solenn Heussaff at Sid Lucero. Magsisimula na silang mag-shooting sa Sept. 2.

Sa original version, umikot ang kuwento sa isang babaeng hindi magkaanak na nakapulot ng isang sanggol, na ginampanan nga ni Janice. Inalagaan niya ito ngunit wala siyang kaalam-alam na isa pala itong tiyanak na pumapatay ng tao.

Ayon kina direk Peque, sa pagbabalik ng”T’yanak”, titiyakin nilang mas magiging madugo at mas nakakatakot ang mga eksena. Iikot din ang kuwento sa serye ng pagpatay sa isang tahimik na baryo na pinaniniwalaang gawa ng isang tiyanak na nasa pangangalaga ni Juday.

( bandera.ph file photo )

Read more...