Claudine nakaiskor sa 2 kasambahay, kasong robbery, grave coercion ibinasura ng korte


Mukhang sinuswerte ngayon si Claudine Barretto, ha! Tuwang-tuwa ang aktres nang malamang ibinasura na ng Marikina City Prosecutor’s Office ang lahat ng reklamong kriminal na isinampa ng dalawa niyang kasambahay laban sa kanya.

Ayon sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio dalawang resolusyon ang natanggap nila mula sa korte, “lack of sufficient probable cause” ang dahilan ng pagkadismis sa mga kasong robbery at grave coercion na inihain ni Maria Luisa Becher, at perjury na isinampa naman ni Dessa Patilan laban kay Claudine.

Pareho ring idinemanda ni Claudine ang dalawa ng qualified theft sa Marikina Regional Trial Court. Patuloy pa ring dinidinig ang kasong ito.

Nag-ugat ang demanda ng dalawang maid laban sa aktres sa isang insidente noong July 24, 2013, kung saan inakusahan ni Claudine ang dalawa ng pagnanakaw ng kanyang alahas sa kanilang bahay sa Loyola Grand Villas.

Pansamantalang nakalabas ng kulungan si Dessa matapos ang halos isang taong pagkakulong, binayaran kasi ng ate ni Claudine na si Gretchen ang piyansa nito.

( bandera.ph file photo )

Read more...