Kuya Kim: Ayoko na sa politika!

Nagalit daw sa mga gumamit ng pangalan niya

Mariing itinanggi ng  It’s Showtime host na si Kim Atienza ang napabalitang papasok ulit siya politika at tatakbo sa partido ni ex-President Joseph Estrada.

Nakasama kasi ang pangalan ni Kuya Kim sa streamers na nakakalat sa Tondo nu’ng nakaraang fiesta nila.

Nakarating kay Kuya Kim ang tungkol dito kaya nagbigay siya ng paglilinaw tungkol dito.

Nagulat daw siya at medyo sumama ang loob niya sa kung sinuman ang may pakana sa pagkakabit ng streamers.

“Wala akong kinalaman sa ganu’n.

Nakakagulat kasi, ang dating kasi, parang lalabas na tatakbo akong ka-tandem ni Erap. I love Erap, I will help Erap to the best of my capabilities.

Ikakampanya ko siya.

Pero ang pinakagusto kong gawin for Erap is to help him for his campaign, but not for me to run,” diin niya kasabay ng pagsasabing wala na siyang balak tumakbo pa sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

Read more...