‘Ayaw namin sa lalaking ‘yun’

Mga kaibigan ni Belo mainit ang dugo kay Al Galang

MUKHANG hindi nakatulong kay Al Galang ang pagpapa-interview niya sa mga talkshow tulad ng

The Buzz para klaruhin ang pagkaka-link niya kay Dra. Vicki Belo na naging dahilan daw kung bakit naghiwalay sila ni Hayden Kho.

Base sa obserbasyon ng mga nakapanood kay Al sa The Buzz noong Linggo ay halatang feel na feel niya ang pagpapa-interview dahil nabigyan nga naman siya ng mahabang oras para makilala ng mga tao.

May mga nagsasabi naman na halatang-halata na ginagamit lang niya si Dra. Belo.

Isa sa nag-react ang long time friend at consultant ni Dra. Belo na si Joji Dingcong na manager nina Derek Ramsay, Bianca Manalo, John James Uy, John Reid, Edward Mendez at Matteo Guidicelli dahil wala raw siyang nakitang sinseridad mula kay Al Galang.

“You can quote me on this ha, ayoko sa kanya, wala akong nakitang sinseridad sa mga pinagsasabi niya, halatang nage-enjoy siya sa interviews niya.

“I told Vicki about this, hindi ko siya gusto, mabigat ang dugo ko sa kanya, wala akong nakitang concern sa kanya para kay Vicki.

Panay ang project niya sa TV camera, nakakaloka siya!” diretsong sabi sa amin ni Joji.

Kaya kung may planong ligawan ni Al si Dra. Belo dahil sabi nga niya ay certified single ang doktora ay mas mabuti sigurong huwag na niyang ituloy dahil tiyak na hindi rin siya patatahimikin ng friends ng ex-girlfriend ni Hayden.

Read more...