Guhit ng bata sa palad

Sulat mula kay E.M., ng Barangay Bolomboan,
Pagadian City
Dear Sir Greenfield,
NAGPAKONSULTA ako sa government doctor dahil hindi pa ako nabubuntis at magsisiyam na taon na kaming nagsasama ng asawa ko.  Niresetahan niya ako ng anim na gamot at pagkalipas ng dalawang buwan ay apat na lang.  Hindi namin nabili ang lahat ng gamot dahil ang iba ay napakamahal.  Marahil ito nga ang dahilan kung hindi ako nabubuntis. Hindi na rin kami bumalik sa government doctor dahil may sinabi siya na nahihiya ako.  Baka raw hindi sagad.  Natatakot naman ako na sumangguni sa arbolaryo, kasi baka silipin ako.  Kung wala na talagang pag-asa ay mag-aampon na lang kami ng anak ng kamag-anak pero mas gusto ng asawa ko na galing talaga sa amin ang bata.  Magkaka-baby ba kami?  Natatakot kaming tumanda nang walang anak.
Umaasa,
E.M., ng Barangay Bolomboan, Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawang Children Lines (Illustration 1. arrow 1. at 2.) ang malinaw sa iyong palad.  Na ang iniuutos ay huwag muna kayong mag-ampon.  Ang Children Lines ay nagpapakita ng malaking pag-asa na magkakaanak kayo. Manalig sa Poong Maykapal at magdasal na ibigay na sa inyo ang pinakaaasam-asam ninyo.  Sa malapit na hinaharap, maaari kang mabuntis at tuluyang magka-anak.
Cartomancy:
Ang mga barahang Two of Hearts, Jack of Diamonds at Six of Hearts (Illustration 1.) ay nagsasabing dalawa ang magiging kabuuang bilang ng inyong magiging supling habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan, isang babae at isang lalaking sanggol ang inilalarawan ng Jack of Diamonds at Six of Hearts.
Itutuloy….

Read more...