Wag tayong maglaban-laban, di tayo magkakaaway! – Daniel


WALANG itinuturing na kakumpetisyon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagiging phenomenal ng kanilang loveteam.
Kalat na kalat na kasi ang chika na baka bigla na lang silang mawala sa eksena ni Kathryn dahil sa pagpasok sa ABS-CBN ng isa pa sa kinakikiligang tambalan ngayon ng mga manonood, sina James Reid at Nadine Lustre, ang mga bida sa pelikulang “TalkBack And You’re Dead” na isa ring blockbuster hit.

Ayon kay Daniel, walang problema sa kanya kung madagdagan ang mga loveteam sa Kapamilya network, mabuti nga raw ‘yun, dahil mas maraming tututukan ang viewers.

“Kung ikabubuti rin ng iba, walang problema ‘yon. “Hindi naman sinimulan, pero sa panahon namin, kami lang ngayon. Pero yung mga nagsasabing ano…walang problema  ‘yon.

Ang mabuti is nakaka-tulong kami sa iba,” positibong pananaw ng Teen King. Dagdag pa nito sa isang interview, “Sa amin ni Kathryn, walang kumpitensiya. Kumbaga, wala tayong kalaban.

Kami naman ay nagtatrabaho lang kaya enjoy lang kami. Huwag tayong maglaban-laban dito,” anang binata.Nakiusap din si Daniel sa fans na iwasan na ang pakikipag-away sa mga supporters ng ibang loveteams, “Hindi kailangang mag-away.

Siyempre, nagsisimula naman ‘yan sa may nagsalita ‘tapos pina-patulan. Huwag na lang patulan kapag may nagsalita dahil hindi naman kailangan ‘yon. Hindi naman kailangan ng ganu’n.”

Samantala, pumirma uli ng two-year contract sa Star Cinema ang binata at very soon ay sisimulan na ang next movie nila ni Kathryn na ididirek uli ni Cathy Garcia-Molina.

Aside from this, sila rin ang nababalitang magbibida sa remake ng seryeng Pangako Sa ‘Yo na ginawa noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

( bandera.ph file photo )

Read more...