BAKIT kinakailangan pang magpabasa ng isang timbang tubig na puno ng yelo upang makatulong sa pagpapagamot ng isang malubhang karamdaman?
Nauuso ang pagpapabuhos ng malamig na tubig upang pondohan sa social media ang amyotrophic lateral sclerosis (ALS), isang sakit na nag-reresulta ng paralysis.
Oo nga’t dapat suportahan ang gayong karamdaman.
Pero por Dios, por santo, bakit pa magpapakauto-uto at magpabasa ng malamig na malamig na tubig na maaaring maging sanhi ng pagkakasakit mo ng pneumonia!
Dahil lang ba ginagawa ito ng mga celebrities ay dapat mo ring gawin?
Bakit di mo na lang gawin na walang seremonya?
Bakit ipaaalam mo pa sa ibang tao na ikaw ay nagbigay ng pera upang tumulong na pagpapa-gamot ng ALS?
Ang mga taong tumutulong sa mga mahihirap at may sakit ay di na dapat ipinaaalam ang kanilang ginawa.
May kasabihan na da-pat di alam ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanan.
Ibig sabihin nito ay di mo dapat ipinaaalam sa ibang tao na ikaw ay nagbibigay sa mga taong na-ngangailangan ng tulong.
Kung gusto mong magkaroon ng balik ang iyong magandang ginawa ay huwag mong ipaalam sa iba.
Dapat ang Sanlibutan lang ang nakakaalam sa mga magagandang ginagawa mo sa iyong kapwa.
Malaki ang balik sa iyo kapag ikaw at kakaunti lang, as much as possible, ang nakakaalam na ikaw ay tumutulong sa mga taong naghihikahos.
Hindi agad babalik sa iyo ang ginawa mo, pero makatitiyak ka na ikaw ay gagantimpalaan ng Sanlibutan– o kung ano man ang tinatawag mo sa Diyos– sa mga darating na araw.
(Sanlibutan o Universe ang napili kong itawag sa Diyos dahil walang bahid ito ng relihiyon, but that’s another story)
I’ll let you in on a secret na hindi na sikreto dahil ito’y nababasa na sa mga self-help books gaya ng The Secret: Kapag gusto mong umunlad ang iyong buhay ay maglaan ka ng pera para sa kawanggawa sa kinikita mo.
Ang kalakaran (na walang sapilitan) ay 10 porsiyento sa iyong take-home pay o kinita.
Kapag ikaw kumita ng P10,000, halimbawa, ilaan mo ang P1,000 sa kawanggawa.
Ibigay mo ang P1,000 sa iyong simbahan, sa bahay ampunan, sa Red Cross o sa ibang mga charitable causes.
Ito’y pagpapakita sa Sanlibutan ng iyong pagpapasalamat sa biyayang dumating sa iyo.
In primitive societies, naglalaan ang mga taong tribu ng bahagi ng kanilang ani upang sunugin.
Ang pagsunog ng bahagi ng ani ay pagpapasalamat sa kanilang Diyos at upang masiguro na mas malaki ang aanihin nila sa darating na anihan.
True enough, mas malaki ang inaani nila kesa dati at ang sinusunog nila ay mas malaki kesa doon sa nakaraan.
Translated to modern times, the more you give, the more you receive; and the more you receive, the more you are able to give.
Kapag ikaw ay nagbigay ng bahagi sa iyong kinita sa mga taong nangangaila-ngan, mas malaki ang i-yong kikitain sa susunod.
At dahil mas malaki na ang kinita mo, mas malaki rin ang maibibigay mo.
In short, palaki nang palaki ang iyong kinikita tuwing ikaw ay namamahagi sa mga mahihirap.
Di ba ninyo napapansin na ang mayayaman ay mas lalong nadadagdagan pa ang kanilang yaman ng walang kahirap-hirap?
Ang kanilang sikreto? Nagbibigay sila sa kawanggawa.
Magtanong ka kung sinu-sino ang mga taong ubod ng yaman na nagbibigay sa kawanggawa: Lahat sila, without exception.
May nagbibigay sa kanila sa charitable institutions gaya ng homes for the elderly, may nagbibigay sa kani-kanilang simbahan, meron naman sa mga may sakit, merong scholarship grants sa mga batang mahihirap, at meron din na nagpopondo ng research para sa matuklasan ang mga gamot para sa AIDS.
Ang mga nabanggit ko ay iilan lamang sa mga lugar o bagay kung saan napupunta ang kawanggawa ng mga mayayaman.
Kapag ikaw ay nagbigay sa iyong kapwa na walang inaasahang kapalit sa mga taong tinulungan mo, bibiyayaan ka mismo ng Sanlibutan.