Arnell Ignacio ayaw nang pumatol sa kapwa lalaki

ARNELL IGNACIO

yaw nang makipagrelasyon ni Arnell Ignacio sa kapwa lalaki. Sey ng komedyante sa interview niya sa Kris TV kahapon, na-realize niya na hindi ang pakikipag-boyfriend ang magpapaligaya sa kanya.

Nagbago ang kanyang pananaw sa pagiging bisexual para na rin sa kanyang religious beliefs (Born Again Christian siya) at sa kanyang anak.

“Quit na ako doon sa other side, although gustung-gusto ko pa rin. Kaya ganito na lang, nakakahiya naman…baka hindi pa ako magandang ehemplo na maging Kristiyano,” aniya.

“At dalaga na ‘yung anak ko… Hindi ba every decision you make, you think of your child? Hindi ba, ‘yung house na bibilhin mo, money you spend?” aniya pa.

Read more...