Driver ka rin ba? (Part 11)

ALAM mo ba na kapag di ka naglagay ng red flag o pulang ilaw sa nakausling kargamento sa iyong sasakyan ay magbabayad ka ng P500.  Bukod dito, ang pulang ilaw ay kailangang makita sa layo na 50 metro.
Ang di pagpipinta ng plaka ng For Hire na sasakyan sa gilid ay may multang P500.  Pagbabayarin ang may-ari ng sasakyan o driver nito.
Ang di pagdadala ng Early Warning Device (EWD) ay may multa na P150.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo.  Sundan bukas.  Hasta la vista.

Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 22, 2009

Read more...