Toni: Handa na akong magpakasal kay Paul!


HANDANG-HANDA na raw magpakasal si Toni Gonzaga sa kanyang long-time boyfriend na si Direk Paul Soriano. Pero mariin nitong idinenay na engaged na sila.

“If he proposes, I will say yes. But as of now, I swear he has not proposed yet. Others think he has,” ani Toni sa interview ng Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong hapon.

Nang tanungin ang TV host-actress-singer kung ano ba ang ideal age ng pagpapakasal para sa kanya, aniya, “I already turned 30, but the year is not yet over. Maybe at the end of 2014, who knows? I’m ready for the next chapter of my life.”

Samantala, ang nakababatang kapatid naman ni Toni na si Alex Gonzaga na patuloy na iniintriga ng bashers dahil sa panggagaya lang nito sa style ni Toni bilang aktres at TV host, ay nagsalita na rin tungkol sa nasabing isyu.

Aniya, okay lang na sabihing copycat lang siya o anino ng kanyang ate. “I wouldn’t be here if it wasn’t for her. But sometimes, yes, I feel sad when my mommy and daddy give her more attention,” ani Alex.

Inamin din ng mag-sisters na hindi talaga sila close nu’ng lumalaki sila, “When we were growing up, we didn’t get along well. Whenever I saw her face, I would feel annoyed,” chika ni Toni.

Pero sey ng girlfriend ni direk Paul, through the years, natutunan naman nila kung paano protektahan ang isa’t isa. Marami pang pasabog ang magkapatid tungkol sa kanilang personal lives na mapapanood sa Tapatan Ni Tunying ngayong hapon, 4 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

( bandera.ph file photo )

Read more...