Sa mga motorsiklo na madalas gamitin sa mabilisang takbo, kailangan ang mas madalas na pagpapasuri ng sasakyan kaysa sa itinatakda sa maintenance schedule.
Marahil ay madalas na umaaragkada ang 125cc motorsiklo ng ating texter….5112 , ng Barangay Maquilao, Tangub City dahil sa layo ng biyahe nito na umaabot sa 120 kilometro balikan.
Maganda ang Japanese brand ng motorsiklo ng ating texter at mas maganda pa sa kanyang nais na bilhin kung magpapalit ng sasakyan.Dahil mas madalas na gamitin sa high speed operation ang motorsiklo mas nangangailangan ito ng mas madalas na checkup sa mekaniko.
Dapat na pagtuunan ng pansin ang mga movable parts ng motorsiklo gaya ng drive chain, na pinapalitan ng dalawang beses kada taon, at large sprocket na isang beses naman.
Minsan mas mara-ming beses pang pinapa-litan ang mga piyesang ito kung ang ipinapalit ay hindi genuine parts o substandard o peke.Maraming kalsada sa Mindanao ay maputik o maalikabok.
Isa rin itong dahilan kung bakit mas madalas dapat ang maintenance ng mga motorsiklo na dumaraan sa ganitong uri ng kalsada. Mahalaga rin na matiyak na magaling ang mekaniko upang masi-guro na alam at tama ang ginagawa nito.
Kaya mayroong mga rider na ibinabalik na lamang sa mga dealer ang kanilang sasakyan upang doon kumpuniin dahil mas tiwala sila na ma-gagawa ito ng tama.
Normal na iniisip ng mga rider na mas mahal magpagawa sa mga dealer dahil ang kalimitang ginagawa ng mekaniko ay magpalit ng piyesa at ang piyesa na kanilang ginagamit ay genuine parts na mahal din.
Pero hindi naman araw-araw nagpapalit ng piyesa ng motorsiklo kaya maaari itong pag-ipunan.
MOTORISTA
Gaas-hugas
OKEY lang po ba na kerosene ang gamitin na panghugas sa loob ng engine bago magsalin ng bagong langis? Ganoon po kasi ang ginagawa ko kapag change-oil
RIGOR, ng
Marikina City
BANDERA
PUWEDENG gamitin ang kerosene pero hindi okey na pangmatagalan. May impurities ang kerosone na maaaring sumiksik sa singit-singit ng tangke ng langis at maaaring bumara ito rito, hanggang sa maapektuhan ang viscocity ng ikakargang langis. Meron talagang dinisenyong panghugas para sa motorsiklo, at medyo may kamahalan din.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
CLASSIFIEDS MOTOR
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).
Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769