Dole handa sa gustong magbalik-abroad

MARAMI pa rin sa ating mga kababayan na umuwi ng bansa dahil sa mga gulo at sakit sa lugar na kanilang pinagtatrabahuan ang nais pa ring makabalik sa ibayong dagat.

Ito ay ayon na rin kay Labor Attache’ Jeffrey Cortazar, director ng National Reintegration Center Office ng Department of Labor and Employment.

Gaya na lang nga mga galing Libya, marami ang sa kanila ang muling maga-abroad.

Kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon, ayon kay Cortazar, naglabas ng polisiya ang DOLE na maari nang mag-apply ng trabaho sa ibang bansa ang isang OFW kahit hindi na ito umuwi pa ng Pilipinas. Maaari na itong dumiretso o lumipat na sa bansang pinag-aplayan, lalo pa’t manggagaling sila sa mga bansa kung saan ipinatutupad ang mandatory repatriation.

Kung may bakanteng trabaho sa ibang bansa at match naman sa kakayahan o skill ng isang OFW, maaari na itong aplayan.
Ipoproseso na lamang ang kanilang dokumento sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na nasa mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa abroad.

Tiniyak naman ni Labor Undersecretary Reydeluz Conferido na handang-handa ang pamahalaan na tugunan ang bawat pangangailangan ng ating mga kababayan. Ang totoo pa nga niyan, hindi pa ‘anya sila nakakarating sa Pilipinas, nakalatag na at naghihintay na lamang ang mga iyon kung ano ang kanilang pipiliin.

Read more...