Hindi masyadong batid ng karamihan ng mga taga-Luzon ang kahalagahan ng Halal.Sa Metro Manila, tanging mga kapatid nating Muslim lamang ang nakakakain ng pagkaing halal dahil bihira itong ipamahagi sa mga hindi Muslim.
Pero mapalad ako dahil marami akong kaibigang Muslim, na nagpakilala sa akin kung ano ang tunay na diwa ng halal.
Ano nga ba ang Halal?
Ayon sa Islamic Da’wah Council of the Philippines, ang Halal ay isang termino na nagmula sa salitang Arabo na nangangahulugang na “naaayon sa batas” o “pinapayagan sa ilalim ng Batas Shariah (Islamic Law).”
Ang batas na ito ay batay sa Qur’an, Hadith (tradisyon ng Prophetang si Muhammad), Ijma (consensus), at Qiyas (pagbabawas sa pamamagitan ng pagkakatulad).
Ano ang Halal Food?
Ang pagkaing Halal ay ang pagkain na pinahihintulutan sa ilalim ng Batas Shariah (Islamic Law.) Ang Islamic Da’wah Council of the Philippines ang siyang tanging ahensya na may karapatan na magpatupad at magsertipika ng pagkain kung ito ay halal.
Ang mga sumusunod ay ang mga kondisyon o pamantayan kung ang isang pagkain ba ay Halal (pinapayagan) o Haram (pinagbabawal):
a. Hindi ito naglalaman ng anumang bahagi o materyales mula sa mga hayop na hindi Halal.
b. Hindi ito naglalaman ng anumang sangkap na itinuturing na Haram o najis.
c. Sa panahon ng paghahanda, pagproseso o pagmamanupaktura, ang mga kasangkapan na ginamit dito ay hindi dapat kontaminado ng mga produkto na may sangkap na itinuturing na Haram o najis.
Sa madaling salita o sa simpleng paliwanag, itinuturing na Haram o hindi Halal ang baboy at lahat ng uri ng inuming may alkohol. Ganoon kasimple ang halal.
Ang pagbibigay ng Halal certification ay isa sa mga tungkulin ng Islamic Da’wah Council of the Philippines. Ito ang pamantayan sa relihiyong Islam na sinusunod ng lahat ng mga Muslim sa buong mundo.
Ang pagpoproseso ng pagkaing Halal ay malawakan nang tinatanggap, lalong-lalo na sa mga hanay ng mga siyentipiko dahil ang mga pagkaing nagdaan sa prosesong ito ay naggagarantiya na mahusay na kalidad, malinis at mahusay upang tangkilikin ng lahat, kahit hindi nananampalataya bilang Muslim.
Cookbook
Sa susunod na buwan ay ilulunsad ang isang cookbook na pinamagatang Salu-salo: A Celebration of Philippine Culinary Treasures na nilimbag ng Congressional Spouses Foundation, Inc.
Tampok sa cookbook ay may mahigit na 130 resipi ng mga tradisyonal na lutuin mula sa iba’t ibang distrito na inambag ng mga mambabatas at kabiyak ng mga mambabatas.
Isa rito ay ang resipi ni Rep. Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, na kumakatawan sa Amin Party-list o Amin (Anak Mindanao), ang party-list na naglalayong magpatibay ng mga reporma sa Mindanao.
Kanilang tinataguyod ang tunay na kapayapaan at pagpapaunlad sa buong Kamindanawan. Ito ay binubuo ng Tri-People Coalition na kumakatawan sa mga Muslim, Lumad, at Kristiyanong Pilipino.
Kasapi rin dito ang iba’t ibang sektor ng lipunan mula sa mga propesyonal, mga maralitang taga lunsod at kanayunan, mga mangingisda, magsasaka at kabataan.
Ambag na resipi ni Rep. Turabin-Hataman ang Chicken Kaliya. Ang Manuk Kaliya ay kabilang sa isa sa mga tradisyonal na ulam na ginagamit sa mga ritwal ng mga Yakan, isa sa mga makukulay na katutubong tao mula sa isla ng Basilan sa Mindanao.
Ang samyo nito ay nanggagaling sa tanglad o lemon grass at balanoy o (basil). Ito ay dinilawan mula sa banglay o luyang dilaw, na kilala rin bilang dulaw sa lokal na salita, ang sarsa nito ay gawa niyog na pinalapot at pinasarap ng harina mula sa kamoteng kahoy.
Kung may katanungan o mungkahi, mag text po lamang sa 09175861963. Huwag kalimutan ang pangalan at lugar.
Chicken Kaliya
Ingredients
1 and 1/2 cups coconut milk
1 large onion
1 teaspoon chopped ginger
1 teaspoon turmeric powder
2 cloves garlic, chopped
4 stalks lemongrass
5 basil leaves
1/4 cup cassava flour, sifted
Salt
500 grams chicken
Siling labuyo, finely chopped (optional)
Procedure
Mix all ingredients, except cassava flour and chicken, in a pot. Add flour and stir until completely dissolved into mixture. Bring to a boil, stirring continuously. Add chicken and continue cooking until meat is done. Serve with steamed rice.