Marian, Dingdong, Aga, Apl.De.Ap matapang na tinanggap ang Ice Bucket Challenge

TRENDING na ang mga local celebrities na pumapatol sa hamon ng ALS ice bucket challenge na nagsimula pa sa Hollywood. Ito yung tatapunan ka ng isang bucket o isang baldeng yelo – kailangang manatili ka lang sa pwesto mo at kayanin ang sobrang lamig.

Ang nasabing challenge ay bahagi pa rin ng kampanya para makalikom ng funds para sa  ALS (amyotrophic lateral sclerosis) Association na itutulong sa mga taong may ganitong “sakit”. So far, nakalikom na sila ng mahigit $62.5 million as of Saturday.

Ilan sa mga nauna nang gumawa nito ay sina Nonito Donaire, Lea Salonga, Aga Muhlach, Apl.de.Ap, Justin Bieber at Julie Anne San Jose. Base sa nakita naming mga post sa social media, ang huling tumanggap ng challenge ay ang malapit nang ikasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang humamon sa kanila ay si Julie Anne. At kung sa ibang challengers ay bucket lang ang ginamit at mas maraming tubig kesa yelo, isang malaking cooler naman na punumpuno ng tipak-tipak na yelo ang ibinuhos sa GMA Primetime King and Queen.

Sa caption ng ipinost na Instavideo, hinamon naman ni Dingdong ang Hollywood actor na si Hugh Jackman, pati sina Sen. Bam Aquino, ang Kapuso actor na si Rodjun Cruz, at ang mga kaibigan ni Marian na sina Ana Feleo at Roxanne Barcelo.

Pati nga si Vic Sotto ay hinamon din ni Dingdong. Samantala, sa pagkakaalam namin, hinamon naman ni Nonito Donaire sa ice bucket challenge si Manny Pacquiao, pero tinanggihan ito ng Pambansang Kamao.

At ngayong marami na ang nakiki-join sa in na in na challenge na ito, baka naman magbago bigla ang isip ni Pacman.
Speaking of Aga, bukod sa pagtanggap sa hamon ni Lea, nagdesisyon din ang aktor na mag-donate ng $100, “Because I did a research on this syndrome, I decided to do both, to raise awareness.

I’m going to drench myself in ice cold water and at the same time donate,” aniya. Hinamon naman niya sina Gov. Vilma Santo, Richard Gomez, at asawang si Charlene Muhlach.

( Photo credit ot EAS )

Read more...