Ahwel Paz nagregalo ng ‘Medical Mision’ sa Entertainment Press

ILANG taon na ba kaming magkasama ni Papa Ahwel Paz sa “Mismo” program namin sa DZMM? Parang akala mo kay tagal na para makalimutan ko. Ha-hahaha! Sa totoo lang, alam ni Papa Ahwel na maaaring nakalimutan ko na nga kung ilang taon dahil may memory gap nga ako at time. Kaloka, di ba?

Anyway, since day one na nagkakilala kami ni Papa Ahwel, panahon pa iyon ng noontime show nila nina Papa Ambet Nabus and Direk Manny Castaneda sa DZMM and when it was axed, doon na siya inilipat sa program ko. Long story iyon pero to cut it short, nagsama na nga kami ni Papa Ahwel.

I’ve always wanted to work with him kasi I found him very intelligent na siyang alam kong kailangan namin sa show – someone very prolific and logical. Kasi nga, wala ako noon, no! I mean, may konting katalinuhan naman ako pero yung pagbalanse ng bawat isyu, wala akong panahon sa ganoon.

I say what I feel sometimes kaya nga binansagan nila akong Unstoppable. But with Papa Ahwel, naging disente ang programa namin. Ha-hahaha!

Honestly, sa maigsing panahong nagsama kami Papa Ahwel sa programa ay napamahal na siya sa akin. What a friend! Kakaibang specie kumbaga. Totoo yung palagi kong sinasabi sa opening ko sa show – yung intro ko sa kaniya – maliban sa super-laughable and super-lovable, siya talaga para sa akin ay matalinong nasa lugar.

Kasi marami tayong nakakasalamuha sa mundong ito na matalino nga pero hindi nagagamit nang maayos – but Papa Ahwel is just too good to be true.

At yung final line kong BFF ko talaga siya for life – na maaasahan mo sa lahat ng oras – na 24 hours a day siyang kaibigan – ang palad ko, mga kaibigan! He’s such a dear, dear friend, gusto ko lang kayong lalong inggitin dahil sobrang bait na tao talaga.

Kumbaga, napakapalad ko to have a friend like him, someone who understands me more than I understand myself at times. Kalokang revelation ito ha.

I don’t know kung saang lupalop ng mundo nanggaling si Papa Ahwel – he’s truly someone else. Araw-araw na ginawa ng Diyos ay umiikot ang mundo namin sa “Mismo” sa iba’t ibang kulay ng ribbons niya.

Naging tatak na niya ito. That’s part of the packaging na natisod lang namin along the way. Wala sa plano iyan – nagkataon lang. How it started, hindi ko na rin maalala.

Ibang klaseng kaibigan si Papa Ahwel. Walang kapaguran. Tulad noong 50th birthday ko – oh yes! I remember na, three years na kaming magkasama sa show. Nag-effort talaga si Papa Ahwel.

He went all the way to my hometowns sa Iloilo – sa Dingle and Santa Barbara to interview some relatives, former classmates and friends para makabuo ng video na pinresent nila sa party ko noon sa Golden Bay Restaurant near MOA.

Wala nang ganyang friend nowadays ha! Ganoon siya magpahalaga ng kaibigan. Samantalagang ako’y walang tiyaga sa ganoon pero siya – wala ngang kapaguran.

He’s such an inspiration to all of us lalo na sa family ko kaya mahal na mahal namin ang mamang iyan. Kaming mga taga-entertainment media ay sobra-sobra ang gratitude sa kaniya – kasi nga, hindi lang ang sarili niya ang inaalala niya – pati kaming mga taga-press ay nais niyang masigurong nasa wastong kalusugan at kalagayan.

Two years in a row na niyang ginagawa ito sa media – ang pa-medical mission niya tuwing kaarawan niya. Last year, nu’ng buhay pa si kaibigang Ernie Enrile, kasama ito sa pina-check-up niya sa mga doctor/friends niya.

Ngayong taon naman ay mas maraming medical services ang na-avail ng mga kasamahan natin sa media at naganap ito last Saturday sa Dong Juan Resto (Mother Ignacia corner Sct. Reyes St., Q.C.).

He is also a very good father to their only daughter – ang Baby Elijah namin. His wife, a very beautiful doctor is such a good support to him too. And we met some members of his family in some occasions and they’re truly wonderful.

Lalo na si Nanay. Grabe rin ang kuwento ng buhay nina Papa Ahwel – huwag na nating ikuwento baka bumaha lang ng luha pag nabasa ninyo.

God is truly amazing. He gives us gifts beyond imagination at times. And for us, one of the best gifts God has given us – most especially me – is Papa Ahwel Paz.

Not because nakatago pa sa kaniya ang mga papeles ko (Ha-hahaha!) but because he is always there for me. I just love the guy and I know that he loves and cares for me too. Walang malisya  iyon ha. Eiwwww!

Ngayong kaarawan ni Papa Ahwel, ano kayang maibibigay kong gift sa kaniya? Wala akong maisip kasi eh o sadyang wala lang talaga akong gift? Napakaipokrito ko, di ba? Puwede naman akong bumili ng kahit anong little something for him kung gugustuhin ko pero di ko pa rin magawa.

Akala ko ba mahal na mahal ko siya – eh bakit hindi ko man lang siya mabilhan ng kahit ano?  Kasi nga, sabi nga nila – ang best gift daw na puwede mong maibigay sa isang mahal na kaibigan o parang kapatid na ay ang taos-puso mong pagmamahal.

Pero mas maganda pa rin kung maliban sa pagmamahal ay meron pang little gift, di ba? Like a cake? A house and lot? An airplane? Ano ba? Naguguluhan ako. Tawa naman diyan, papa Ahwel.

Anyway, magsasama naman kami sa “Mismo”  program namin sa DZMM mamayang gabi kaya bahala na si Batman kung ano ang mabitbit ko.

Mahal kong Papa Ahwel Paz, my best wishes for you sa birthday mo today. Sana ay biyayayan ka pa ng Poong Maykapal ng sapat na lakas ng pangangatawan at mahabang buhay para mas magampanan mo pa ang mga misyon mo sa buhay.

Mahal na mahal ka namin lalo na ng mga anak kong sina Carlo Brian and Toxin. Hapi bday, Papa Ahwel. Pa-canton ka naman daw. Ha-hahaha!

Read more...