Pauleen mukha nang sumo wrestler sa taba, sobrang laki ng mga pata

Kailangan nang tutukan ni Pauleen Luna ang kanyang katawan bago pa siya maging junior ng Megastar. Napakarami nang nagkokomento nang negatibo sa kalakihan niya ngayon, maigsi  pa naman siyang manamit, ayon sa isang kaibigan namin ay nagmumukha na siyang suman sa ibos kapag pinanonood siya sa Eat…Bulaga.

Nu’ng una ay pasable pa ang katawan ni Pauleen kahit pa halatado na rin ang kanyang katabaan, pero nitong bandang huli ay ibang-iba na ang kanyang itsura, doble na ang laki niya at parang patuloy pa siyang lulusog.

“Para na siyang sumo wrestler, ang laki-laki niya, para siyang bagong panganak na hindi nag-exercise. Napakaigsi pa naman ng mga isinusuot niya, kitang-kita ang pagkalalaki niyang pata!” nag-aalalang komento ng isang kaibigan naming propesor.

Sabi naman ng isa pang nakausap namin, bago pa raw matulad si Pauleen kay Sharon Cuneta, ngayon pa lang ay kailangang agapan niya na ang paglaki ng kanyang katawan.

“Kailangan niyang mag-lose weight, kahit maganda pa siya, e, nakakawalang-gana ang ganu’ng personality na ang laki-laki!” dagdag pang sabi ng propesor naming kakuwentuhan.

Tanda ng kaligayahan ang nakikita naming paglusog ni Pauleen Luna, tanggap na kasi ng kanyang pamilya ang relasyon nila ni Vic Sotto, ang pagiging kampante ay nakapagdadagdag ng timbang.

Huwag na para sa kanyang karera, ang kalusugan niya ang dapat intindihin ni Pauleen Luna, malapit sa pagkakasakit ang mga taong may sobra-sobrang timbang.

( Photo credit to pauleen luna official fanpage )

Read more...