Hamon kay Binoe: Wag nang mag-leather jacket sa Talentadong Pinoy


Finally, may leading lady na si Robin Padilla sa pelikulang “Bonifacio”,  yan ay walang iba kundi si Vina Morales.
Ang “Bonifacio” ay entry sa 2014 Metro Manila Film Festival na ididirek ng Film-Am na si Enzo Williams.

Matatandaang tinanggihan ni Iza Calzado ang nasabing pelikula dahil busy siya at nahihiya naman siyang magpahintay kung kailan siya puwedeng mag-shoot dahil alam naman daw niyang may hinahabol na deadline ang pelikula.

Ito rin ang nabanggit i Robin sa presscon ng Talentadong Pinoy kaya nanghihinayang siya, balik-tambalan daw kasi sana nila ng aktres ang proyekto pagkatapos nilang magsama sa seryeng Joaquin Bordado noong 2008.

Pero naiintindihan daw niya ang paliwanag ni Iza at hindi siya nagalit nang tanggihan siya ng aktres. Base sa huling pag-uusap namin ni Binoe ay wala pa siyang nahahanap na leading lady.

At habang tinitipa namin ang balitang ito ay sinabi ni Vina sa anin na, “May movie kami ni Robin. Ha-hahaha! Had a meeting yesterday, ‘yung Bonifacio.”

Base sa pagkakakilala namin kay Robin ay tiyak na siya ang nag-suggest sa producer at sa direktor nila na si Vina na lang ang kuning leading lady niya.

Speaking of Robin ay may tanong ang nakapanood ng pilot episode ng Talentadong Pinoy noong nakaraang Sabado. Bakit daw naka-leather jacket pa rin ang aktor? Baka raw puwedeng ibahin na niya ang porma niya sa show since host naman siya at hindi umaarte.

“Sana ibahin naman niya ang imahe niya sa TP, wala kasing pagkakaiba yung dating niya sa mga pelikulang ginawa niya, eh,” ang komento sa amin ng isang nakapanood.

( bandera.ph file photo )

Read more...