Sam binibitin si Shaina, ayaw tumodo sa panliligaw


Isang napakagandang ngiti lang daw ang reaksyon ni Sam Milby nang aminin ni Shaina Magdayao na lumalabas sila kasama ilang common friends.

At sa tanong kung nanliligaw ba uli si Sam sa kanya, ang pag-iwas ng sagot ni Shaina ay, “Si Sam na lang tanungin ninyo.”
Kadadarating lang ni Sam galing Singapore at kaagad dumiretso sa contract signing niya sa Star Magic at dito siya natanong kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Shaina.

Naging mas okay daw sina Sam at Shaina dahil nakakapag-usap na sila kumpara noon na hindi man lang nagkakuwentuhan. Iisa rin daw ang group friends nila kaya naging madali ang kanilang pagsasama bukod pa sa naging close sila noong nasa Europe sila para sa Star Magic tour.

Hindi raw sinagot ni Sam kung nanliligaw siya ngayon kay Shaina dahil as of now ay good friends sila at ini-enjoy nila ang isa’t isa. Sabagay, ito rin naman ang sagot ni Sam sa presscon ng “The Gifted” kasabay ng pagsasabing kung sinuman ang babaeng nililigawan niya ay hindi muna niya ito ipaaalam sa media dahil baka maudlot na naman.

Samantala, may movie project daw na niluluto ang Star Cinema sa aktor –  itutuloy na kaya ‘yung naudlot na movie project nila ni Bea Alonzo na ididirek ni Olive Lamasan two years ago?

( Photo credit to sam milby official fanpage )

Read more...