Sarah inaaway ang ina dahil sa pera?

OKAY naman pala kay Rayver Cruz na mag-guest siya sa bagong show ni Sarah Geronimo, ang Sarah G. Live.

Sabi ng isang close sa actor-dancer,wala namang problema kung sakaling kuning guest ang binata lalo pa’t hindi na naman sila magkaaway ng Pop Princess.

Kaya lang, ang magiging problema ay ang Mommy Divine ni Sarah kung sakali.

Until now kasi ay hindi pa rin nito matanggap na maayos na sina Sarah at Rayver.

Anyway, maganda sanang tingnan kung matutuloy nga ang guesting ni Rayver sa Sarah G Live para maipakita nila sa lahat na naka-move on na sila sa nangyari sa kanilang lovelife.

But we feel na ang hindi pa nakaka-move on sa issue ng dalawa ay ang madir ni Sarah. We wouldn’t be surprised kung mag-oppose si Mommy Divine sa proposal na mag-guest si Rayver sa show ng kanyang anak.

About the issue on finances, nilinaw ni Sarah ang issue na kinukuha na niya ang lahat ng pera niya sa kanyang Mommy Divine dahil ang gusto niya, siya na ang maghawak ng kanyang sariling pera.

“Not totally i-handle ko lahat kasi, hello, wala akong knowledge du’n.

Pero sabi ko unti-unti kasi nagkakaedad na rin ako tsaka gusto kong lumaki din na may alam. Hindi kasi lahat ng bagay natutunan mo sa academics.”

“Sobra ho ang tiwala ko sa nanay ko. Alam ko ang pagmamahal sa akin ng nanay ko talagang walang hanggan talaga. So walang dahilan para mag-doubt sa kanya when it comes to finances,” paglilinaw ng TV host-actress.

Read more...