Pacman, Jinkee mauubos ang kayamanan, maghihirap daw

Kapag biglang tumigil sa pagboboksing

BALITANG-BALITA ang pagiging relihiyoso ngayon ni Cong. Manny Pacquiao at marami ang natutuwa dahil ginawa na nga niyang part ng kanyang buhay ang pagbabasa ng Bible.

At napakarami na raw nabago sa pag-uugali ni Pacman.

Marami rin daw siyang nai-give up and some say that it’s good timing dahil nang ma-realize ni Pacman na mali ang ganito at ganyan, may pera pa siya.

Hindi lang siya milyonaryo – he’s a billionaire pa.

Ilan sa mga hindi na raw ginagawa ni Pacquiao ngayon ay ang pagsusugal at pambababae.

Isa pa sa pangako niya sa kanyang sarili ay ang pagtigil na sa boksing dahil nabasa yata niya sa Bible na masama ang manakit ng kapwa kahit sabihin pa nating isang uri ng sports ito kung saan siya ay nababayaran ng limpak-limpak na salapi.

Sa boxing siya yumaman nang husto at nakilala sa buong mundo. Ngunit hindi na raw mapipigil si Pacman na tumigil sa larong ito nang magsimula siyang magbasa ng Bibliya.

“Ang nakakatawa lang ay meron pang kundisyon si Pacquiao sa pagtigil niya sa boxing.

Tatapusin lang daw niya ang laban nito kay Bradley bago siya mag-retire. Iyan ang sinasabi natin – kung talagang takot siya sa salita ng Diyos, dapat ay mag-isip-isip na siya.

It’s either huminto siya ngayon or huwag na lang siyang maniwala sa Bibliya at all,” ang sabi ng isang nakausap namin na sumusubaybay sa boxing career ni Pacman.

“Nandoon na tayo, sayang ang kikitain niya sa laban nila ni Bradley, isa itong challenge sa magiging desisyon niya sa buhay.

Kasi nga nakakontrata siya with the organizers ng nasabing match but he will make history if he quits now because of religion.

For sure, he will become 10 times more popular if he quits now because of his new belief.

“Saan ka naman nakakita ng ganyang kundisyon, titigil na raw siya sa boxing dahil ayaw ng Diyos na may nasasaktan siyang tao pero after na raw ng laban niya kay Bradley.

Anoiyon? At his convenience ang desisyon niya? Paano na si Lord na sinusumpaan mong sundin?

Para bago pa man siya huminto totally ay lilikom muna siya ng pondo? Ayaw ni Lord ng ganyan.

“Tutal marami na naman siyang pera, the challenge now is his call, to quit and take the risks, pero kakampi mo naman si Lord.

Nakakatawa talaga itong si Pacman,” ang may halong pagdududa pa ng ating kausap.

May point sila pareho. Kung talagang desidido nga si Pacman na tumigil na sa boxing dahil ayaw niyang magalit sa kanya si Lord, dapat now na, kahit pa malaki pa ang involved na prize money sa match na ito. Diyos na kasi ang involved.

On the other hand, mas risky naman ang gagawin ni Pacman kung ngayon siya titigil dahil baka mapasama siya sa organizers ng boxing match na ito at baka puro demanda ang abutin niya.

Tama lang in a way na tapusin niya siguro ito for the last time, as in last na talaga, para wala na lang gulo.

I’m sure naman the Lord will not forsake him if he finishes this match, mas malaki kasi ang risk pag nag-give up siya ngayon.

Baka hindi rin siya maka-concentrate sa pagbabasa at pagsunod niya sa mga nakasaad sa Bibliya.

At malaki ang mawawala sa kaban ng kanyang yaman pag huminto siya ngayon dahil sa mga damages na babayaran niya kung sakali.

Baka bumalik siya sa rags at baka maibenta ni Mareng Jinkee ang kanyang mga expensive bags. He-hehehe!

Read more...