Kalat na…Dawn Zulueta, Bamboo magkapatid daw


Naimbiyerna si Dawn Zulueta sa malisyosong chismis na nagsasabing kapatid niya si Bamboo, ang rock singer na medyo may kaangasan. Hindi na napigilan ni Dawn ang kanyang sarili at klinaro ang issue, something that is very admirable.

Sabi niya sa nabasa naming post, hindi niya kapatid si Bamboo. She made it clear na dalawa lang silang anak ng kanyang mga magulang, siya at si George.

Nagpakasal muli ang kanyang amang si Jose Fazil Tahanlangit-Taleon at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, sina Jed at Josiah.

Sabi pa ni Dawn, dapat i-check at ire-check ng mga nagpakalat ng malisyosong chismis ang kanilang mga sources bago maglabas ng balita. Oo nga, saan kaya nagsimula ang chikang ito?

( Photo credit to EAS )

Read more...