P-Noy pinagalitan si Kris


Pinagsabihan pala ni Pangulong Noynoy ang bunsong kapatid na si Kris Aquino na tigilan na ang pagsasabi ng “please stay alive” dahil iniisip daw ng ibang tao na meron siyang malalang sakit.

Sa Kris TV kahapon, ani Tetay, “‘Yung friends ko sinasabi, ‘ang kumakalat na balita may malubhang karamdaman si Noy dahil doon sa speech.’ Sabi ko, ‘wala naman.’

Sabi ko baka dahil lang sa aming mga kapatid…Worrier lang kami na ganoon.” “Sinabihan niya ako, ‘Can you stop saying for me to stay alive? Kasi iba ang iniisip ng tao, Kristina.’ Sabi ko, ‘wala lang,'” sabay tawa ni Kris.

“Actually, chill na chill nga siya ngayon. Kami lang ‘yung napapraning. Kasi kapag August (ghost month) talaga hindi namin ma-avoid. Kaya siguro ganoon na lang ‘yung takot namin.

Trigger point talaga namin ang buwan na ‘to, na natatakot kami na may mangyari sa kanya,” chika ni Kris na ang tinutukoy ay sina tita Cory at Sen. Ninoy na parehong namatay ng Agosto.

( bandera.ph file photo )

Read more...