Kathryn sa Photo Scandal nila ni Marian: Grabeee, ang galing!


GALIT na galit ang ilang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pambabastos na ginawa ng ilang netizens sa Teen Queen ng ABS-CBN. Kumalat kasi sa social media ang pekeng litrato ni Kathryn na naka-two piece.

Sa nakita naming larawan, ipinatong ang mukha ng dalaga sa isang picture ni Marian Rivera na nakasuot ng bra at panty.
Hindi ito nagustuhan ng KathNiel fans, isang maliwanag na pambabastos daw ang ginawa sa kanilang idolo.

Pero meron din namang fans ng dalaga ang natuwa sa kanilang nakita, bagay din naman daw pala kay Kathryn ang magpaseksi.
In fairness, positive rin ang naging reaksiyon ni Kathryn nang makita niya ang nasabing litrato.

Sey ng Teen Queen, “Grabe, nu’ng nakita ko yun, sabi ko, ‘Oh, my God, ang galing nila mag-edit!’ At katawan pa yun ni Ms. Marian Rivera! My God, idol ko pa yun!

“So, sobrang kinilig pa ako lalo! Pero nakakatuwa lang. And yung iba din, alam naman nilang hindi ko yun gagawin, sobrang bata ko pa. So, for fun lang siguro yun,” pahayag ni Kathryn.

Nagbigay din ng mensahe ang Kapamilya actress sa kanyang mga fans na na-offend, “Yung ibang fans, don’t worry, hindi ko po gagawin yun (mag-pose ng nakahubad), kasi ang bata-bata ko pa.”

Samantala, nilinaw naman ni Kathryn ang isyu sa kanila ni Julia Barretto. Hindi raw totoong magkaaway sila dahil sa bangayan ng kanilang respective fans.

Nagsimula ang isyu sa dalawa nang si Julia ang kuning partner ni Daniel Padilla para sa isang softdrink commercial. May  chika rin na nagdedmahan  sila ni Julia nang magtungo sila sa South Africa para sa isang magazine shoot kasama sina Maja Salvador at Erich Gonzales.

Wala raw silang gap ni Julia.”Actually before kami nag-South Africa, pumunta kami sa tour namin sa London. Doon, nagka-bonding kami. Pumunta kami ng theme park, whole day.

Medyo bitin ‘yun, so kami ni Julia, nag-bond kami rin sa South Africa with the giraffes, ganyan!” Nang tanungin kung paano niyang ide-describe ang dalaga, “Si Julia, hyper and very energetic! Pag kasama mo siya, parati siyang…

Hindi ka talaga ma-bo-bore kasi very active and energetic, ganyan!”

( Photo credit to EAS )

Read more...