Kris, Juday saludo sa tapang ni Ramon Bautista | Bandera

Kris, Juday saludo sa tapang ni Ramon Bautista

Ervin Santiago - August 22, 2014 - 03:00 AM

JUDY ANN SANTOS, KRIS AQUINO AT RAMON BAUTISTA

Nu’ng Miyerkules ng gabi sa Aquino And Abunda Tonight, nagsilbing guest co-host ni Kris si Juday at dito nga nila napag-usapan ang tungkol sa pagpataw ng parusang “persona non grata” laban sa komedyante at TV host na si Ramon Bautista dahil sa kanyang “hipon joke” na ikinagalit ng mga taga-Davao.

Tinanggap ni Ramon ng buong puso ang nasabing parusa.

Parehong hinangaan nina Kris at Juday ang katapangan ni Ramon sa pagharap sa ganitong uri ng kontrobersiya. Sey ni Kris, hindi madaling harapin at mag-sorry sa harap ng napakaraming tao sa isang lugar na alam mong galit na galit sa iyo.

Sey naman ni Juday, “Para sa akin, matinding lakas ng loob ang kailangan mo para gawin mo ‘yun, kasi hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari, yung magiging reaksiyon ng mga tao.

“Sa palagay ko naman, lahat ng mga tao, may karapatan for a second chance. Nag-apologize na naman sa ginawa niya, in-accept yung pagkakamali niya. Lahat naman tayo may sensitivity issues, sana lang huwag nang maulit ‘yung nangyari at sana wala nang gumaya pa,” pahabol pa ng TV host-actress na super excited na nga sa pagsisimula ng I Do.

Makakasama ni Juday dito as co-host si Jason Gainza. Ang I Do ay ang bagong reality serye ng Dos kung saan bibida ang ilang Pinoy couples na dadaan sa matitinding challenges para masubukan kung gaano sila kakatag bilang partners in life. Pagmamalaki ni Juday, ibang-iba ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending