NOONG isang gabi, bago ako nag-report sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM Teleradyo, I came across with a tagged item sa wall ng aking Facebook account – isang video that’s very political in nature.
Obviously, ito’y anti-P-Noy and his family – mula sa kanilang mga ninuno – from his grandmother named Ysidra Cojuangco na naging asawa ni Gen. Antonio Luna till the present.
It showed the other side of the Cojuangcos and the Aquinos – the “bad” side of the color yellow.
The funny description of the late Ninoy as a hero, the late president Cory as the Saint, Kris Aquino as the Queen and P-Noy as the Rockstar.
The material is well-edited and well-produced – from the disclaimer to the substance of the subject matter in the video.
Galing ng gumawa but of course, hindi maganda sa mga kaalyado ng mga Aquino at Cojuangco, lalo na sa living members of their clan.
Talagang tinuligsa sila in a very intelligent way, picturing them as not so good human beings.
Nangilabot ako sa napanood ko but of course, hindi naman ako agad nagpadala dahil hindi ko pa naman naririnig ang other side of the story.
Today, we commemorate the Edsa Revolution – the bloodless revolt in 1986 to regain our democracy.
Bumaba sa puwesto ang magiting na pangulong si Ferdinand Marcos dahil sa people power.
And Cory Aquino rose to power – she became president. But in the video, the late tita Cory said in an interview in 1985, the year before the revolution, that she doesn’t see herself in politics.
She will just support daw whoever sits as president should the Marcoses step down.
But what happened? She run for public office and became our leader and pictured as a great woman with so much dignity.
Ngunit sa napanood naming video, talagang tinuligsa nito ang biases ng media that were so pro-Cojuangco-Aquino. Nakakaloka!
Try n’yong silipin and you’d also be shocked by some revelations therein, kasama na diyan ang kuwento sa Hacienda Luisita.
Kung totoo man ang lahat ng nakasaad sa video na iyon, ewan ko lang – may naaamoy akong hindi maganda sa kasalukuyang administrasyon.
Nakakakilabot. Just like what a friend told me, “If tita Cory won the presidency via People Power, mukhang babagsak naman ang P-Noy administration via People Power din!” Afraid aketch! Naku, huwag naman sana, let’s not invite people to rebel.
That’s not fair because, in fairness naman to P-Noy, he is trying hard too para magampanan ang kanyang mga tungkulin.
Let’s give him a chance. May the Grace of the Lord be with him. Grace pa rin? OK sige, isama na rin natin ang rumored girlfriend ni P-Noy na si Grace Lee. Ha-hahaha!
Basta ako, maraming kamulatan ang naramdaman ko after watching the controversial video na ito.
Napukaw ang aking consciousness – parang noong panahong nag-aaral pa lang ako sa UP. Ganoon ako ka-involve sa mga topics tulad nito.
Siyempre, dahil nagkakaedad na tayo at naiba tayo ng linya, ang showbiz nga na tunay naman talagang na-enjoy natin, siyempre nabawasan ang pagiging aktibo natin sa ganitong sistema, medyo behaved na rin tayo.