Hayden matagal na raw niloloko si Belo

Biglang sumikat ang yoga instructor na si Aljarreau Galang dahil sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa hiwalayang Hayden Kho-Dra. Vicki Belo.

Maraming may gustong makakita sa kanya nang personal ngayon para lang mapatunayan ng mga ito kung meron nga ba siyang karapatang ipampalit ng pamosong doktora sa binatang windang na windang ang personal na buhay ngayon.

Kung kagandahang lalaki ang pag-uusapan ay walang kuwestiyon sa itsura ni Al Galang, ayon sa mga nakakausap namin, sa kanya rin kasi nagpapagabay ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Guwapo raw talaga si Al at ang kanyang katawan, pakakainin daw niya ng alikabok ang basta guwapo at matangkad lang na si Hayden Kho, dahil talaga namang lalaking-lalaki at alagang-alaga niya ang kanyang kalusugan.

Pero ayon kay Alex, sa pagkakaalam daw nito ay may ibang idine-date si Al, hindi si Dra. Vicki kundi isang babaeng kaedad din niya. Panaginip lang siguro ni Hayden ang bintang nito na si Al ang espesyal ngayon sa buhay ng doktora.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Naku, kung sino-sino ang itinuturo niya ngayon, samantalang siya nga itong matagal nang niloloko si Dra. Vicki! Ilang beses na ba siyang nahuhuling hindi tapat sa relasyon nila?

“Natatakot kasi siyang may makahati sa mga biyaya, napakapabolosa naman kasing girlfriend nitong si Vicki Belo, sobrang generous niya!” nakataas pa ang kilay na komento ng aming kaibigan.
Aktwali!

Read more...