Ateneo nakalusot sa UE

Mga Laro sa Sabado
(SM Mall of Asia Arena)
2 p.m. La Salle vs UP
4 p.m. UST vs FEU
Team Standings: Ateneo (7-2); La Salle(6-2); FEU (6-2); NU (6-3); UST (4-4); UE (4-5); UP (1-7); Adamson (0-9)

NAIPASOK ni Kiefer Ravena ang mahalagang tres para itulak ang Ateneo sa 78-73 panalo sa University of the East sa pagbubukas ng 77th UAAP men’s basketball kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos ang mahinang paglalaro sa unang tatlong yugto, nagising si Ravena at nagpakawala ng siyam na puntos sa huling yugto, tampok ang 3-pointer sa huling 14.2 segundo.

Nagkaroon ng pagkakataon si Charles Mammie na bawasan ang kalamangan nang nalagay sa free throw line matapos ang foul ni Ravena pero ang una lamang ang kanyang naipasok.

Nakuha ni Von Pessumal ang bola at binigyan ng foul tungo sa dalawang free throws at solohin uli ng Blue Eagles ang liderato sa walong koponang liga sa 7-2 baraha.

May walong rebounds, pitong assists at dalawang steals pa si Ravena habang si Chris Newsome ang namuno sa Blue Eagles sa kanyang 23 puntos.

Read more...