DAHIL sa paghahatid niya sa San Mig Coffee sa Grand Slam sa 39th season ng Philipine basketball Association, si Tim Cone ay pararangalan bilang Coach of the Year ng PBA Press Corps sa annual awards night na gaganapin mamayang alas-7 ng gabi sa Richmonde Hotel sa Eastwood, Libis, Quezon City.
Makakasama ni Cone sa pagtanggap ng karangalan si San Miguel Corpooration president and chief operating officer Ramon S. Ang na nahirang na Executive of the Year.
Tatanggapin ni Cone ang Baby Dalupan award samantalang tatanggapin ni Ang ang Danny Floro citation.
Inimbitahan bilang special guests upang magbigay ng ilang pangungusap para kay Cone na nakabuo ng kanyang ikalawang Grand Slam sina Atoy Co at Philip Cezar ng Crispa, Samboy Lim, Hector Calma at Renato Agustin ng San Miguel Beer at Jojo Lastimosa at Dickie Bachmann ng Alaska Milk.
Napanalunan ni Cone ang kanyang unang Grand Slam noong 1996 habang hawak pa ang Alaska Milk. Matapos ang higit dalawang dekada bilang coach ng Aces ay nalipat si Cone sa San Mig Coffee na naihatid na niya sa limang titulo.
Si Paul Asi Taulava, ay siyang pinakamatandang aktibong manlalaro ng PBA, ay tatanggap ng Comeback Player of the Year award buhat kay William Adornado. Matapos maglaro sa ABL ay nagbalik si Taulava sa PBA at napabilang sa Mythical Five sa kanyang unang full season buhat nang magbalik.
Pararangalan din sina Marc Pingris bilang Defensive Player of the Year, Peter June Simon bilang Mr. Quality Minutes, Jayson Castro bilang Scoring champion, MarkBarroca para sa Order of Merit matapos magwaging Player of the Week ng tatlong beses at sina Greg Slaughter, Ian Sangalang, Raymond Almazan, Justin Melton at Terrence Romeo bilang mga miyembro ng All-Rookie team.
Dadalo sa pagtitipon sina incoming PBA chairman Pato Gregorio, commissioner Atty. Chito Salud, Robert Non, Rene Pardo at mga miyembro ng PBA Board of Governors.