MP Promotions may pa-boxing sa Kadayawan | Bandera

MP Promotions may pa-boxing sa Kadayawan

Frederick Nasiad - August 20, 2014 - 03:00 AM

BILANG bahagi ng Kadayawan Festival sa Davao City ay ihahatid ng MP Promotions ang  ‘Tibay ng Pinoy 4’ fight card sa Sabado, Agosto  23, sa Almendras gym.

Mag-uumpisa ang mga laban dakong alas-6 ng hapon. Sa main event ay makakasagupa ni International Boxing Federation (IBF) International super flyweight champion Jerwin “The Pretty Boy” Ancajas ng MP Promotions Davao ang bisitang si  Rochmad Santoso ng Indonesia sa isang  10-round, non-title fight.

Sa isa pang main event ay magtatapat sina Aston “Diego Corales” Palicte ng MP Promotions Davao at Franvis Damur Plue ng Indonesia sa isang 10-round, 115-pound duel.

Si Ancajas, na tubong  Panabo City, ay galing sa isang first round knockout win laban kay Petchwanchai Sor Visetkit ng Thailang noong Pebrero 3 sa University of South Eastern Philippines Gym, Bo. Obrero, Davao City.

Pakay ng 22-anyos na si Ancajas na makapagtala ng isa pang maigting na panalo sa Sabado para makalapit sa minimithing legitimate world title fight.

Siya ay may ring record na 20 panalo, isang talo, isang draw at 12 knockout wins. Si  Santoso naman ay may 11 panalo, tatlong talo at anim na KOs.

Si Palicte   ay galing sa  first round victory kay  Robel Villegas noon ding Pebrero 3. Siya ay may record na  14 wins, 10 KOs at isang kabiguan.

Ang kalaban niyang si Palue ay mas matanda sa kanya ng apat na taon ngunit mayroon lamang siyang record na pitong panalo, tatlong talo, dalawang draw at tatlong KOs. Ang boxing card na ito ay bukas sa publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending