Binooo ang comedian na si Ramon Bautista when he started apologizing to the people of Davao matapos niyang tawaging hipon ang mga babae dito.
Napanood namin ang video ng pagso-sorry ni Ramon when a popular website posted it. Along with the video, a female public official of Davao berated Ramon and is appealing to the officials to declare the comedian persona non grata.
Not surprisingly, Ramon was lambasted on social media. Puro lait ang kanyang inabot. Kesyo hindi raw ba siya nanalamin at inalam kung ano ang hitsura niya bago niya bitiwan ang salitang hipon.
“Ang sama naman niyang si Ramon Bautista, akala mo ang pogi, chaka naman! mukhang kargador sa pier. Pwe! Mahiya nga siya sa balat niya!” mataray na comment ng isang guy.
Kung marami ang nanglait kay Ramon, meron din namang nagtanggol sa kanya, “He’s a comedian, people. Not to be taken seriously. My 2 cents po.”
“Persona non grata agad ng dahil lang dun? Babaw ah.”
“Sensitive naman masyado ng mga tao, how could they overreact sa mga words na ‘yan? Hindi naman totoo bakit sila mapipikon? kailangang talaga i-ban? Dapat sinagot nalang nila ‘Duh looks who’s talking?’ O kaya ‘kung hipon kami ano pa tawag sa ‘yo?’
“O kaya i-boo na lang tapos tapusin na, basta be witty na lang sa pagsagot at mapapahiya din ‘yan at kusang magsosorry, eh antotoo? itatakwil talaga ha, ang taas ng tingin sa mga sarili, ok lang na may pride pero yung ganyan, sobra na rin, hindi naman siya pumatay ng tao or something worse para ganyanin. ‘Wag OA pls.”
Para sa amin, okay na nag-sorry kaagad si Ramon. At least, he acknowledged his mistake. Hindi naman siya nanakit ng tao, ‘no! Wala siyang sinampal o sinuntok.