Sulat mula kay Danika ng Padada, Davao del Sur
Problema:
1. Magsisi man ako ngayon ay huli na at hindi na mababago ang mahirap kong pamumuhay. Ang inakala kong mabait na manliligaw ay lasenggo pala at napaka-iresponsable. Sa una, ikalawa at ikatlong anak ay naging leksyon sa akin para makipaghiwalay na ako. Hindi na talaga magbabago ang asawa ko. Laki ako sa lolo’t lola ko at sila ang kinagisnan kong magulang. Hanggang sa ipaliwanag nila ang tunay.
2. Mahigpit ang lolo’t lola ko at wala akong kalayaan. Masakit silang magsalita kaya nang dumating sa buhay ko ang napangasawa ko ay agad akong sumama sa kanya para makalaya na. Hindi pala kalayaan ang pinasok ko kundi mas mabigat pang pagdurusa. Kailan ba giginhawa ang buhay ko? Ako’y isinilang noong Hulyo 16, 1989.
Umaasa,
Danika ng Padada, Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing ang anak na isinilang sa ilalim ng Capricorn, Taurus, at Pisces ang magdadala sa iyo ng isang sagana at maunlad na pamumuhay, kaya dapat lang na alagaan at mahalin mo siyang mabuti.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing dadaan ka muna sa labis na kahirapan at mahabang pagtitiis sa buhay, ngunit isang anak na isinilang sa petsang 14, o kaya’y 25 ang mag-aahon sa inyong mag-asawa sa kahirapan.
Luscher Color Test:
Lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabi mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran.
Physiognomy:
Upang lalo pang palarin sa buhay, maglagay ka ng artificial na nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi. Kapag nagkaroon ka na ng nasabing nunal, tuloy-tuloy ng gaganda at yayabong ang iyong kapalaran sa aspetong pananalapi at pang-materyal na mga bagay.
Huling payo at paalala:
Danika, sa iyong kapalaran, tulad ng naipaliwanag na, matatapos na rin ang iyong mga paghihirap at ito ay magsisimulang maganap. Isang lalaking anak ang makapaga-abroad at sa sandaling nakapag-abroad ang iyong anak, tuluy-tuloy na kayong susuwertehin sa buhay, hanggang sa makaahon sa kahirapan hanggang sa tuluyan na ring umunlad.
Unti-unting giginhawa (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...