Bea: Si Zanjoe na ang gusto kong pakasalan, pero…!


Wala pa talagang balak magpakasal si Bea Alonzo kay Zanjoe Marudo. At naniniwala siya na hindi pa rin magpo-propose ang kanyang boyfriend anytime soon.

Sey ni Bea, ine-enjoy pa rin nila ni Zanjoe ang kanilang pagsasama at feeling niya, kailangan pa nilang kilalanin ang isa’t isa kahit na matagal-tagal na rin ang kanilang pagiging magdyowa.

Natanong kasi sa isang interview ang leading lady ni Paulo Avelino sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon matapos mag-announce ng kasal sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Nakasama ni Bea si Dingdong sa blockbuster movie na “She’s The One.” “Siyempre iba yung process, iba yung pinagdaananan ng relationship nila (Dingdong at Marian). I’m sure mas matagal sila kaysa sa amin.

Kami gusto naming mas makilala pa ang isa’t isa. Mas gusto naming i-enjoy ang moment ng relationship namin na kapag nagpakasal kami ay hindi namin mababalikan. Saka 26 pa lang naman ako,” paliwanag ng aktres .

Napag-uusapan din daw nila ni Zanjoe ang kanilang future, pero hindi pa raw ganu’n kaseryoso, “Siyempre ang (mahalaga) naman doon kung papipiliin ako kung sino ang gusto kong makasama habambuhay, siyempre siya ‘yon.”

Samantala, patuloy na humahataw sa ratings game ang serye nina Bea at Paulo na Sana Bukas Pa Ang Kahapon kaya naman mas lalo pang ginaganahan ang buong production na maghatid ng pasabog na mga eksena.

In fairness, halos lahat ng kapitbahay namin sa Cainta, Rizal puring-puri ang mga bida ng soap, lalo na nga sina Bea, Paulo at ang kinamumuhian ngayon ng buong mundo na si Maricar Reyes.

Nakakaloka nga dahil pagbabanta ng ilang viewers, kapag daw nakita nila si Maricar, talagang sasabunutan nila ito! Ha-hahaha! Ganyan ka-effective ang akting ng misis ni Richard Poon sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon na napapanood pa rin gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang!

( bandera.ph file photo )

Read more...