Matteo itatakas at bubuntisin agad si Sarah | Bandera

Matteo itatakas at bubuntisin agad si Sarah

Jobert Sucaldito - August 17, 2014 - 03:00 AM


MARAMI na naman ang nabubuwisit sa mga magulang ni Sarah Geronimo  – sina Divine at Delfin. OA na raw kasi ang mga ito sa pagiging over-protective sa kanilang anak.

Lalo na raw si Divine na hindi na nila masakyan ang sobrang pakikialam sa anak na singer – lalo na sa lovelife nito. “Naku naman, 25 years old na si Sarah, Mommy Divine. Huwag kang umarte na parang 16 years old lang ang anak mo.

Parang di ka naman nakaranas na ma-in love nu’ng kabataan mo. Matanda na si Sarah for a puppy love, Oy! Huwag kang masyadong epal.

“Napakasuwerte mo nga at sobrang bait ni Sarah sa inyo. Lahat na lang kayo ay binuhay niya, hindi ka pa ba happy? Lahat na lang ng luho ninyo ay ibinigay niya.

Ni hindi nga niya naregaluhan ang sarili niya – yung konting kaligayahan na lang niyang umibig kay Matteo ay gusto niyo pa yatang harangin.

“Imagine, dinadabugan daw ni Mommy Divine si Matteo tuwing dumadalaw sa bahay nila. Pasalamat nga siya at napakadisente ni Matteo para dumalaw sa bahay nila.

Akala ko ba iyon ang pinaka-requirement niya sa manliligaw o magiging boyfriend ni Sarah. Ngayong sinunod naman ni Matteo lahat ay parang napapasama pa siya.

Kung ako kay Matteo, bubuntisin ko na si Sarah para matapos na ang labanang ito.  “Ano bang trip ni Mommy Divine? Ang gawing santa ang anak niya? Ang hindi patikimin ng sabaw ng langit? Ano siya, hilo? Naku Sarah, layasan mo na nga ang nanay at tatay mong iyan.

OA na sila, wala silang respeto sa damdamin mo,” ang galit na galit na sabi ng isang supporter ni Sarah na sobrang imbyerna kina Divine at Delfin.

May point naman ang fan na ito, di ba? Kasi nga naman, OA naman sa pagiging over-protective ang mga magulang niya. Ang dating nga sa amin ay hindi na pagiging over-protective ito – pagiging suwapang na ito sa kaligayahan ng anak.

“Natatakot siguro silang manghingi na si Sarah ng financial independence one day. Doon naman papunta iyan eh. Mabait kasing bata si Sarah, in fairness sa kaniya, inuna niya muna ang magandang kalagayan ng family niya.

Kinalimutan muna niya ang pansarili niya. But of course, she has to give priority now to herself, tapos na ang obligasyon niya sa pamilya niya. “It doesn’t mean naman na hindi na siya tutulong sa kanila.

Puwede na siyang makiusap sa parents niya na whatever they have now are theirs na at anumang kikitain niya from today ay ilalaan naman niya sa kaniyang future. Yung ganoon.

Doon siguro natatakot ang parents niya, once Sarah decides to declare her independence. She has to.”Wala siyang choice because she’s not getting any younger.

Ipagpalagay pa nating lahat ng pinaghirapan niya in the past ay ibigay na niyang lahat sa family niya – masama pa ba iyon? Hindi na siya madamot noon, ha.

Sobrang bait pa nga niya eh,” sabi naman ng isang legal mind na nakausap ko. “Kaya the best way na gagawin ni Sarah now para matigil na ang masyadong makasarili niyang mga magulang ay magpabuntis na siya kay Matteo.

Huwag na siyang matakot sa mga magulang niya,” ang panunukso naman ng isa pa. Naku! Patay kayo kina Divine at Delfin pag nakarating sa kanila ang ideyang ito. Baka lalo nilang higpitan si Sarah.

Baka one day ay mag-ala-Robin Williams na lang si Sarah pag hindi na siya makahinga sa pananakal ng kaniyang mga magulang. Sayang naman kung makawala pa si Matteo sa buhay ni Sarah – pero knowing Matteo, mukhang lalaban ang binatang ito.

He may be sobrang bait pero we know and feel na magaling lumaban ang bagets. Baka one day ay papipiliin nito si Sarah kung sino ba ang kakampihan niya – siya o ang mga magulang niya? Looks like very domineering din si Papa Matteo kaya mukhang mauuwi sa pagtanan ang dalawang ito. I can feel it.

“Itanan na niya at buntisin para matapos na iyan. Madali lang iyan. Pag nabuntis na si Sarah, may magagawa pa ba sina Delfin at Divine? Unang-una, hindi naman magugutom si Sarah kahit hindi na siya magtrabaho dahil mayaman ang pamilya ni Matteo, ‘no! Tutal in love naman siya kay Matteo, ipaglaban na niya.

Ang haba na ng pagtitiis ni Sarah, baka mabaog na lang iyan pag hindi sila magkatuluyan ni Matteo,” kantiyaw ng isang kaibigan namin.

Talagang umiikot ang friends namin sa anggulo ng “buntisan” ha! Ano kayang magandang kantang mabubuo nila pag nabuntis ni Matteo si Sarah – “BEH, BUTI NGA 2!”? Puwede! Kasi naman! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending