Problemadong komedyante nagtangkang mag-suicide


Nagtangkang magpakamatay ang komedyanteng ai Jobert Austria na napapanood sa gag show ng ABS-CBN na Banana Nite kasama sina Angelica Panganiban, John Prats, Zanjoe Marudo at Pooh.

Ayon sa report ng ABS-CBN, nagtangka raw mag-suicide ang comedian sa pamamagitan ng pagtalon mula sa mataas na bahagi ng Sogo Hotel sa Quezon Avenue, dakong ala-1 ng hapon kahapon.

Sa report ng kaibigan nating radio anchor na si Ahwel Paz, nagtangkang magpakamatay si Jobert matapos makatanggap ng isang text message, may nagbabanta umano sa kanyang buhay.

Matapos ang ilang oras, napakalma rin ang komedyante at napabalik nang maayos sa kanyang kwarto. Nakiusap si Jobert na puntahan at kausapin siya ng direktor nila sa Banana Nite na si Edgar “Bobot” Mortiz.

Ipinatawag niya rin ang kanyang pamilya. Napapanood din si Jobert sa sitcom na Home Sweetie Home nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz.

( Photo credit to EAS )

Read more...