May nakuha kaming suggestions from some showbiz kibitzers na sana raw Lyca na lang ang gawing screen name ng first ever grand winner ng The Voice Kids. Mahirap daw kasing i-memorize ang apelyido niya na Gairanod.
Pwede naman ‘yun basta ‘wag lang niyang ipapatanggal ang apelyido ng tatay niya, huh! Ayaw ni Dennis Padilla, etchos!
At gaya ng ibang superstar sa showbiz, nga-yon pa lang ay umaani na ng batikos si Lyca.
Una na riyan ang pagi-ging intrimitida raw ng bagets. May nabasa rin kami na pinangalanan ng news anchor na si Ces Drillon ang tuta niya kasunod sa pangalan ni Lyca. Pero tuta raw ni Ces, may breeding.
For sure, iti-take naman ng namamahala ng career ngayon at mga magulang ni Lyca ang mahubog ang bata sa magandang asal. And they will take ‘yung mga puna ngayon kay Lyca constructively.
Pero ang nakakatuwa, in so short of time after niyang manalo sa Voice Kids, may first acting experience agad siya on TV. At ‘yun ay magaganap sa kanyang lifestory sa Maalaala Mo Kaya na mapapanood na tonight.
Impressive ang pinapalabas na trailer ng first acting job ni Lyca sa MMK. Kasama niya rito sina Malou de Guzman, Ronnie Lazaro, EJ Jallorina, Kokoy de Santos, Amy Nobleza, Jahren Estorque, Ian Galliguez, Marney Lapuz, Pepe Herrera at Che Ramos.
( Photo credit to EAS )