2014 PBA Press Corps Awards sa Agosto 21

ISASAGAWA ng Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps ang kanilang 2014 Annual Awards ngayong Agosto 21 sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City kung saan pararangalan ang mga kalalakihang kuminang sa 39th season ng premyadong professional basketball league ng bansa.

Ang mga parangal na ibibigay ay kinabibilangan naman ng Coach of the Year, Executive of the Year, Mr. Quality Minutes, Comeback Player of the Year at All-Rookie Team.

Ang Accel-Order of Merit ay mapupunta naman sa manlalaro na may pinakamaraming boto para sa PBA Player of the Week habang ang tatlong pangunahing estudyante na napili sa ginanap na Willie Caballes-PBAPC Sportswriting Contest ay tatanggapin naman ang kanilang mga premyo.

Read more...