Walang planong kasal

Sulat mula kay Zany ng  Kapatagan, Lanao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Tatlo na ang anak namin ng kinakasama ko at ngayon ay dalawang buwan buntis na ako pero wala pa rin plano ang mister ko na pakasalan ako.  Masaya naman ang aming pagsasama kahit paminsan-minsan ay dinadalaw kami ng problema na matagal malutas.  Nararamdaman ko na nagagalit sa akin ang aking asawa dahil tinitiyempo ko ito na masaya siya at magpapahinga na kami saka ko siya tinatanong kung kailan ba kami magpapakasal.  Ang palaging sagot niya ay “saka na muna” o wala pa sa kanyang plano sa taon ito.  Pakakasalan ba niya ako?  December 5, 1986 ang birthday ko at August 10, 1982 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Zany ng Kapatagan, Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad.  Na ang ibig sabihin, walang duda sa malapit na hinaharap pakakasalan ka na ng kinakasama mo.  Ang guhit ay medyo may tinik, na ang ibig sabihin ay pagdadaanan ninyo ito hanggang sa makarating dulo, na ang ibig sabihin ay kasal.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Nine of Hearts at King of Clubs ang nakahanay (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing walang hanggang ang inyong pagsasama ng iyong ka-live-in. Dahil walang hanggang na nga kayong magsasama, ang Nine of Hearts ang nagsasabing sa susunod na taon, 2015, may kasalang magaganap upang maging legal at maging pormal na sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, ang inyong pagsasama bilang masayang pamilya.
Itutuloy….

Read more...