AKO po si Ernesto Velaso Jr na may SSS no. 34- 00821938. Gusto ko po sanang malaman kung approve na ang loan ko o kung hindi pa ay ano po ang dapat kong gawin ? Wala pa rin po akong SSS ID, pwede po bang mag loan kahit wala pang SSS ID. Lagi po kasi akong nasa trabaho. Salamat po. 34-00821938 SSS.
REPLY: Ito ay kaugnay sa katanungan ni G. Ernesto Velasco Jr hinggil sa status ng kanyang salary loan.
Base sa aming rekord, ang SS number ni G Velasco ay temporary pa lang. Ito ay nanga-ngahulugan na siya ay hindi pa nagsumite ng kanyang birth certificate or baptismal certificate.
Amin siyang pinapayuhan na magpasa ng kanyang NSO o authenticated na birth certificate o baptismal certificate sa pinakamalapit na SSS branch upang maging permanente na ang kanyang SS number. Hangga’t temporary ang SS number ni G Velasco ay hindi siya maaaring mag claim ng anumang benepisyo sa SSS.
Ang pagiging temporary ng kanyang SS number ang dahilan kung bakit siya ay hindi kwalipikado para sa salary loan. Subalit, kapag naipasa na niya ang kinakailangang dokumento at naging permanent na ang kanyang SS number, maaari na siyang magpasa ng kanyang salary loan application.
Nais lamang naming banggitin na ang pagi-ging temporary ng kanyang SS number ay hindi makakaapekto sa kanyang mga buwanag hulog. Anuman ang naihulog sa kanyang SS number ay mananatili dito at maisasama sa kabuuang bilang ng kontribusyon.
Salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS. Sumasainyo, MAY ROSE DL FRANCISCO Social Security Officer IV Media Affairs Department Social Security System
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
