Horoscope, August 15, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging masigla ang araw dahil sa malaking halaga ng salapi na biglaang matatanggap. Sa pag-ibig, pagdating ng hapon, sa isang Aries ay lalong iinit ang pakikipag-relasyon. Mapalad ang 6, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries– (Marso 21-April 19)—Hindi natatapos ang problema, kusa lang itong lumilipas. Ituloy mo lang ang nasimulang dagdag na pagkakakitaan, malapit ka nang makaahon sa kahirapan. Sa pag-ibig, kahit maraming problema ay busugin pa rin ang kasuyo sa romansa. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 41, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Pink at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Huwag basta-basta na lang magtampo sa kasuyo, ganoon lang talaga ang ugali ng topaking Scorpio. Sa pinansyal, kung hindi ka napautang ay huwag sasama ang loob, maghanap na lang ng ibang mauutangan. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Lilac at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— May oportunidad na darating sa pangingibang bansa– sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Enero at Oktubre, ka-compatible at katugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 41 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Hindi dapat pairalin ang damdamin upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pagiging praktikal yayaman ka. Sa pag-ibig, huwag nang pakawalan ang kasuyong Capricorn. Mapalad ang 2, 7, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bodhana-Om.” Green at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Iwasang magmayabang upang hindi ka kainisan! Higit na kikita ng malaking halaga kung papanatiliin ang pagiging “low profile.” Sa pag-ibig, huwag dominahan ang kasuyo upang wag siyang sumpungin. Mapalad ang 1, 10, 19, 28,  40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sa pag-ibig, isang kakalat-kalat na Libra ang agad-agad na makakaniig! Sa pinansyal, habang nagpapakasipag ay tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 1, 9, 14, 19, 28, 40. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Huwag patulan ang isang kasamahan atrabida, sisirain lang nya ang araw mo! Mas mabilis na uunlad kung magko-concentrate sa ginagawa at huwag nang masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa isang Virgo ikuwento ang lahat ng sama ng loob—uunawain ka niya. Mapalad ng 3, 6, 16, 24, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om.” Red at Purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Pera na naman ang magiging problema! Itigil na kasi ang negosyong hindi  naman kumikita. Sa pag-ibig, sundin ang suhestyon ng kasuyo upang maiwasan ang palagiang pangungutang—magtipid. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra:“Om-Padme-Om.” White at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isang kaibigan ang hihingi ng favor! Tama ang iyong iniisip, tulungan at damayan mo siya, pero huwag lang sa pera. Sa pag-ibig, ngayon pa lang paglaanan na nang budget ang muling “pagde-date” n’yo ng kasuyong kuripot.  Mapalad ang 7, 11, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Tandaang hindi mo madadala ang salapi sa langit kaya itulong ito sa mga gawaing may kaugnayan sa charity. Sa pag-ibig, habang tumutulong ka sa mga kapus-palad, mas madali mong matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 7, 9, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gonvinda-Om.” Beige at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansiyal, upang umunlad laging isa isip ang kasabihang: “Pera-pera lang walang personalan!” Sa pag-ibig, paglaanan ang future, imungkahi sa kasuyo na mag-save kayo at sa iyo ipatago ang nasabing ipon. Mapalad ang 4, 12, 21, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Om-Agara.” Red at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Gagantimplaan ka ng tadhana, kusang madadagdagan ang kita sa buwan ng Setyembre.  Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang Libra. Gantimpalaan mo rin ang iyong sarili—pakainin ang sarili sa masarap na restaurant at puntahan ang isang lugar na noon mo pa nais pasyalan. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Silver at orange ang buenas.

Read more...