NAGREBELDE raw si Sarah Geronimo when her mom did not allow her to attend an event where boyfriend Matteo Gudicelli was one of the participants.
Sa matinding galit daw ni Sarah ay nagkulong sa kuwarto ang singer-actress at hindi kumain ng ilang araw. In short, nag-hunger strike ang Pop Princess. Well, that’s according to a popular website whose blind item about a young star clearly points to Sarah. Identified na identified ang dalaga.
Matindi talaga ang madir ni Sarah, over protecvive siya sa kanyang dalaga.
Hindi ba niya naisip na namantikaan lang ang nguso ng pamilya niya all because of Sarah? It was Sarah who provided them the luho that they wanted, from mamahaling sapatos to signature bags to a plushy home. It was also Sarah who made millions for them. Ang lahat ng ginagasta nila ay nanggaling lahat kay Sarah.
Ano ba naman ‘yung pagbigyan niya ang konting kahilingan ni Sarah na makapiling ang kanyang boyfriend na si Matteo.
Natatakot yata itong madir ni Sarah na baka mabuntis nang wala sa oras ang kanyang dalaga. Eh, ano naman kung mabuntis si Sarah? Natural lang ‘yon dahil babae siya. Isa pa, ang feeling ba niya ay lolokohin lang ang kanyang anak ni Matteo?
Ang feeling ng ilan ay takot lang ang madir ni Sarah na mag-asawa ang dalaga dahil malaking pera ang tiyak na mawawala sa kanila.
“Kung wala si S wala ring kabuhayan showcase ang buong pamilya kaya ayaw nila pakawalan.”
“Kawawa si Sarah. ano pa ba kelangan gawin ni S para tigilan sya ni HG. sobra naman kasi parang ginagawang tuta si S. ang tanda na nya tapos sakal sakal pa rin. kung ako kay S, ligwakin sa eksena si HG.”
“She should stand up and fight for her right to enjoy life. She is not getting any younger. She might drive away and lose M…..that will be a disaster.”
‘Yan ang ilan sa mga comment na aming nabasa sa isang popular website, ha.