KC sa relasyon nila ni Paulo: OK naman, masaya kami!

PAULO AVALINO AT KC CONCEPCION

Pawang de kalidad na artista ang dumalo sa grand presscon sa pagpapatuloy ng kuwento ng Ikaw Lamang tulad nina Christopher de Leon, Rio Locsin, Smokey Manaloto, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, Jojit Lorenzo, KC Concepcion at sina Coco Martin at Kim Chiu.

Sobra ang paghanga ni KC sa leading man niyang si Coco, “Tuwing tatayo at uupo ako, nakaalalay siya, hindi ko alam kung may radar siya or something, sobrang maalaga, sobrang tutok sa mga scenes, sa mga details ng bawa’t eksenang mangyayari.

Sobrang nirerespeto ko siya. Si Coco kasi team player, ‘yun ang na-admire ko sa kanya.”

Kasalukuyang nasa Amerika si KC at nag-aaral ng acting pero bigla siyang napauwi sa bansa dahil sa alok ng Dreamscape Entertainment na gampanan ang karakter ni Natalia sa Ikaw Lamang.

“What convinced me (be back), is obviously it’s an honor for me to do Ikaw Lamang. How can I say no to tito Deo (Endrinal) who supported me and I’m really happy.

“I was supposed to leave again, pero hindi na muna ako aalis (kasi) nag-sign na rin po ako ng contract and I’m very happy what ABS is giving me,” sabi ng dalaga.

At habang wala nga si KC ng mga panahon na iyon ay natsismis na buntis siya, “Hindi po talaga totoo. ‘Yung trip ko sa US was three years ago pa at hinahanapan ko lang talaga ng timing ‘yun na July or August at doon lang ako nakapagpaalam sa ABS-CBN.”

Samantala, naging matipid naman si KC sa pagbibigay ng update sa relasyon nila ngayon ni Paulo Avelino na napupuri rin sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

“We’re good, we’re happy having primetime (series) actually ‘yun naman talaga ang number one priority namin (work),” tugon ng dalaga.

Read more...