Robin nauubos ang pera sa pagbibigay ng pera at bahay sa mga kapwa muslim
HINDI uso ang bigayan ng regalo sa mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez kapag may okasyon, kuntento na raw silang magkasama sa mga espesyal na araw.
Kuwento ni Mariel sa nakaraang kaarawan niya, Agosto 10, “Nagpapasalamat talaga ako kasi binakante talaga niya (Robin) ang sarili niya kaya nakapag-date pa kami.”
Say naman ni Binoe, “Hindi naman siya material girl (Mariel).”
Sa susunod na Martes, Agosto 19 naman ise-celebrate ng mag-asawa ang ikaapat na taong anibersaryo ng kasal nila na ginanap sa India noong 2010 kaya masaya sina Mariel at Robin dahil umabot na sila ng apat na taon. At nagpapasalamat daw si Robin dahil nakatagal sa kanya si Mariel.
Katwiran ni Mariel, “Mabait si Robin, hindi ko nga alam kung bakit siya tinawag na bad boy.
“Akala kasi nila sa TV lang mabait si Robin, pero mabait siya talaga, sa tuwing may madadaanan (kalsada) kami kunwari may makikita siyang matanda na naglalako, imposibleng hindi niya bigyan on a regular basis. Hindi kailangan ng maraming taong makakita para gawin niya ‘yun.
“Ganu’n siya talaga, nakita ko naman ‘yung sincerity niyang iyon sa Wowowee kaya ko nga siya nagustuhan kasi iba ‘to ha, sincere to ha!”
Tinanong namin si Mariel kung sinamahan niya ang asawang matulog kasama ang Talentadong Pinoy contestants base na rin sa kuwento ni TV5 executive, Ms. Wilma Galvante.
“Ay hindi, umuwi ako, sabi ko, puwede akong umuwi? Kasi siyempre siya okay matulog sa couch, gusto ko namang matulog ng kumportable para paggising ko, maayos naman, di ba,” sagot ng TV host.
Napag-usapan din namin ang talent fee at inamin ni Mariel na hindi niya alam kung magkano ang TF ni Binoe sa Talentadong Pinoy kasi hindi raw sila nagtatanungan at wala silang pakialamanan.
“Pera niya at pera ko, walang tanungan. Eversince ganu’n kami, wala kaming pakialamanan sa isa’t isa.
“Kasi may mga anak si Robin so inisip ko para sa kanila ‘yun tapos may foundation pa siya, nagpapatayo siya ng bahay para sa mga kapatid niyang Muslim kaya as in walang natitira sa kanya.
“Pero nu’ng nawalan ako ng work, ganu’n pala ang feeling kasi para rin akong may suweldo kasi binibigyan niya ako, kaya sinasarapan ko lalo ang luto ko, kasi baka magalit si sir (Robin),” birong sabi ni Mariel.
Natawang ikinuwento ng TV host na noong dalaga pa siya ay wala siyang alam na luto kundi scrambled egg at kapag nag-asawa ka na pala ay kailangang matutunan mo lahat.
“Talagang pangarap ko lang talaga ay maging housewife, tapos ihatid at sunduin ang mga anak sa school o sa soccer games nila, ganu’n lang. At mahirap pala, kasi you’re managing the house, it’s totally different life for me, doon ko natutunan magluto dahil everyday ginagawa ko na siya.
“Ang mga favorite ni Robin, bulalo, adobo, hindi kasi nakikita ang juicing,” kuwento ni Mariel.
Lahat daw ng niluluto niya ay organic mula sa mga pananim niya sa bakuran tulad ng okra, talong, carrots, mint, pandan, kamatis, sibuyas, kalamansi, “Ang sarap kasi doon ko na kinukuha lahat, masarap ang may farm, pero maliit lang ‘yung sa amin.
Kelan nga lang hinagard siya ni Glenda (bagyo), kaya hayun,” masayang sabi pa ng personal chef ni Binoe.
Ang mga karne namang niluluto niya ay puro organic din kaya healthy food daw lahat ang inihahain niya sa kanyang asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.